NAKAKA-INSPIRE ang kuwento ng buhay ng isang Filipino fashion model at event host na gumagawa na ng sarili niyang pangalan sa Amerika.
Magsumikap, maging matapang, at huwag sumuko, yan ang mindset ng bawat migranteng Pinoy pagdating sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa ibang bansa.
Ganyan din ang ipinairal ni Chris Wycoco na isa na ngayong matagumpay na negosyante sa US at abot-kamay na rin niya ang iba pang pangarap sa tulong ng mga taong pinagkakatiwalaan niya mula noon hanggang ngayon.
Katulad ng ating mga kababayan na nasa US, siya rin ay umunlad matapos mag-aral at magtrabaho nang bonggang-bongga hanggang sa maitatag ang kanyang taxation company, ang Wycotax LLC.
Baka Bet Mo: Tony Labrusca naghubad para sa 27th birthday, mga beking fans nagpiyesta
Simple lang ang kuwento ni Chris. Siya ay ipinanganak sa Manila ngunit lumaki sa Nueva Ecija. Sa edad na 14, natutunan na niya kung paano kumita sa pamamagitan ng pagbebenta ng kung anu-ano.
Dito niya kinukuha ang kanyang allowance para sa pag-aaral at dahil dito, nahasa ang kanyang kakayahan sa pagnenegosyo sa murang edad. Ginawa niya ito hanggang sa matapos niya ang kanyang degree sa kolehiyo ng may karangalan.
Taong 2010 nang pumunta siya sa US para sa career advancement. Nakilala niya roon ang kasosyo sa negosyo, isang certified public accountant hanggang sa maitatag nga nila ang Wycotax LLC.
Patuloy ang pag-asenso ni Chris. Siya ay aktibo sa mga pagtitipon tungkol sa negosyo at patuloy na tumatanggap ng mga parangal bilang isang businessman. At kahit pa namamayagpag sa US, hindi pa rin niya nakalilimutang pagbigyan ang mga special gathering invitations lalo na pagdating sa mga fashion show.
Si Chris ay isa ring fashion model at ilang beses na rin siyang nakarampa sa entablado. Isa rin siyang magaling na host kaya naman palagi siyang nagkakaroon ng mga show dito at sa ibang bansa.
Excited na nga ang guwapong binata dahil siya ang itinalagang official host para sa Miss Earth beauty pageant na gaganapin sa tatlong state sa Amerika ngayong Agosto—Washington, Oregon, at Colorado.
Siya rin ang opisyal na host ng America Excellence Award na gaganapin next month.
Si Chris ay isa ring philanthropist at layunin niyang makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga online na negosyo sa mga Filipino. Naniniwala siya na ang internet ay makatutulong sa mabilis na pagpapalaganap ng mga negosyo sa buong mundo.
Handang ibahagi ni Chris ang kanyang talento at karunungan para makatulong sa mga kababayan natin. Pupunta siya sa Pilipinas sa Setyembre para sa kanyang business, hosting, at modeling engagements at para na rin bisitahin ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
* * *
Simula na ng matinding gantihan!
Sunod-sunod na kamatayan ang bumungad sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” isa sa dalawang bagong teleserye mula sa ABS-CBN Entertainment at TV5, na gugulo sa mga buhay nina JC de Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), Tony Labrusca (Lucas), at Jane Oineza (Olivia).
Nagpabilib sa aktingan ang guest stars na sina Jeffrey Santos (Severino), Lovely Rivero (Elena), at Richard Quan (Javier) sa kanilang mga eksena sa pilot episode ng programa na umere noong Martes (July 25) kaya naman napabilang ang #NagAapoyNaDamdamin pati na rin si Tony Labrusca sa nangunang trending topics sa Twitter.
Puring-puri ng netizens ang exciting plot ng programa pati na rin ang intense na acting ng mga bida.
“Umpisa pa lang, dami ng plot twist. Daming aabangan dito. Nakakapanabik ang bawat pangyayari ng kwento,” ayon sa post ni @_clydejeconiah. “A round of applause to @tonythesharky @akosijcdeberat for today’s pilot episode for their wild acting!” dagdag niya sa panibagong tweet.
“Mainit kng sa mainit ang #NagAapoyNaDamdamin. Level up ang actingan tlaga ni @itsJaneOineza. Galing dn ng lhat ng cast,” sabi naman ni @simplyzen19.
“Napaka tragic naman ng nangyari sa family ni JC, kaya pala magiging monster sya dito,” ani @pookiepay.
Napansin din ng netizens ang prosthetics ni Jane para sa karakter niya bilang Olivia. “Ibigay natin kela Direk FM Reyes sa tulong ng JRB team ang pagiging metikuloso sa prosthetics ni Olivia (Jane Oineza),” ayon sa post ng @OfficialKpex.
Mapapanood ang “Nag-Aapoy Na Damdamin” pagkatapos ng “Pira-Pirasong Paraiso,” ang isa pang bagong drama series na handog ng ABS-CBN at TV5 na pinagbibidahan naman nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson.
Sundan ang #NagAapoyNaDamdamin mula Lunes hanggang Biyernes, 3:50 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.
Mikael, Megan inilabas ang naipong energy makalipas ang 2 taon: We’re super duper excited!