SIMULA ngayong taon, ipagdiriwang na ng ating bansa taon-taon ang “Philippine Space Week.”
Nakasaad sa Proclamation No. 302 na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos na ang selebrasyon ay magtatagal ng isang linggo tuwing August 8 hanggang 14.
Ang declaration nito ay kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Space Council na nais i-promote ang “space science” at “awareness.”
“There is a need to promote space awareness, celebrate the significant contributions of Filipinos worldwide in the field of space science, and espouse the value, benefits and impacts of space science and technology applications on the lives of Filipinos,” saad sa naturang kautusan.
Ang napiling petsa ay kasabay rin ng pagsasabatas ng Philippine Space Act noong August 8, 2019.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach napa-senti mode sa binebentang condo: For 3 years, it has given me a space to be myself
Para sa kaalaman ng marami, ang Philippine Space Act ay isang batas na nagtatatag ng patakaran sa pag-unlad at paggamit ng kalawakan ng Pilipinas, pati na rin sa paglikha ng Philippine Space Agency at para na rin sa iba pang layunin na kaugnay rito.
Kasabay ng inilabas na proklamasyon, inutusan ni Pangulong Marcos ang Philippine Space Agency na maglatag ng mga programa at aktibidad para sa isang linggo ng selebrasyon.
Nanawagan din ng presidente sa lahat ng ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na makilahok sa naturang pagdiriwang.
Read more: