Atasha Muhlach graduate na ng business degree sa UK, with honors pa!

Atasha Muhlach graduate na ng business degree sa UK, with honors pa!

Atasha Muhlach

GRUMADUATE na sa kolehiyo si Atasha Muhlach, ang anak ng celebrity couple na sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach.

Muling pinatunayan ni Atasha na siya ay beauty and brains dahil nakatapos siya ng business degree with honors sa Nottingham Trent University sa United Kingdom.

Makikita sa social media posts na present sa kanyang graduation ceremony ang kanyang buong pamilya – ang kanyang mga magulang, pati ang kakambal na si Andres.

Sa isang Instagram post, proud na proud na Ibinandera ni Charlene ang isang video clip na nagkaroon pa ng speech ang kanyang anak.

“Congratulations [Atasha] for graduating with business honors in Nottingham Trent University, Business school 2023, [and] for being chosen to give the message of thanks on behalf of your graduating class,” caption niya.

Mensahe pa niya, “So so so proud of you!”

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach game na game maging artista at beauty queen, sey ng netizens: ‘Wow! beauty and brains!’

Napa-post din si Andres upang ihayag ang kanyang pagka-proud sa kapatid at kakambal.

“Congratulations to my favorite sister (my only sister lol) and best friend,” sey niya.

Wika pa niya, “I’m proud of what you have already accomplished, keep doing what ya do. I always got your back.”

Hindi naman nagpahuling i-share ni Atasha ang kanyang graduation speech na kung saan ay nabanggit niya na excited siyang bumalik ng ating bansa at makapag-focus sa kanyang showbiz career.

“All the years of hard work, rushing to class, early mornings and late nights but just like that I’m done! To the class of 2023 and all the graduates around the world of 2023 congratulations to you all!” lahad niya sa IG post.

Sey pa niya, “Can’t wait to be back in the Philippines soon, to start work and be with you all. Love you all!”

Maraming fans naman ang nagbunyi sa latest milestone ng dalaga at panay papuri ang makikita sa comment section.

Narito ang ilan sa aming mga nabasa:

“Congratulations, beauty and brains talaga! [red heart emoji]”

“Congratulations! Your hard work, dedication, and perseverance have paid off, and you deserve every bit of this success. Here’s to a future filled with more accomplishments and joy. Cheers to you!”

“Beauty, brain and talent roll into one. Congratulations Atasha! [red heart emojis].”

Magugunita nitong buwan lamang nang matupad ang matagal nang pinapangarap ni Atasha na makapasok sa mundo ng showbiz.

Pumirama siya ng kontrata sa Viva Artists Agency na siyang hahawak at magma-manage sa kanyang showbiz career.

Inamin ng dalaga na 10 years old pa lang siya ay nais na niyang mag-artista ngunit hindi nga ito natupad dahil mas pinili niya ang hiling ng mga magulang na tapusin muna ang kanyang pag-aaral.

Related Chika:

Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Read more...