Chavit Singson at Manny Pacquiao
TULOY na tuloy na ang construction ng “Little Seoul” sa Pilipinas. Iyan ang kinumpirma ng negosyante, producer at dating gobernador na si Chavit Singson.
Ito ang magsisilbing little South Korea ng Pinas kung saan itatayo ang ilang building at entertainment center na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng naturang bansa.
“Yes, yes, uumpisahan na this year. Final na yung plano nila. In fact bukas ang dating ng mga founder, titingnan nila yan,” ang pahayag ni Singson nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa opening ng kanyang Korean restaurant na bbq Chicken.
“Ang gagawin natin diyan, parang Little Korea. Ang tawag e Little Seoul. Kinopya ko lahat ng magaganda sa Korea para ilagay diyan.
“Then dadalhin ko naman dito yung mga movie stars nila para i-promote, or matuto yung mga kababayan natin. So magkakaroon din sila ng mga show rito. Dagdag sa ating tourism industry,” paliwanag pa niya.
Aabutin daw siguro ng dalawang taon bago matapos ang construction ng Little Seoul.
Samantala, kinumpirma rin ng dating public servant na babalik sa bansa ang Korean superstar na si Lee Seung-gi na nag-concert sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City kamakailan, “Babalik-balik sila dito. Magpe-perform sila dito,” ani Singson.
Sa tanong kung binalak din ba niyang magtayo ng sariling TV network, “Noon, nag-offer ako noon na bibilhin ko yung Channel 7, hindi lang natuloy.
Baka Bet Mo: Belle Mariano itinanghal na Outstanding Asian Star 2022 sa 17th Seoul International Drama Awards
“Ang rason nila, tatlo silang magkaka-partner, e. Medyo nagkagulo lang ang… pero sumulat na ako nang pormal noong araw.
“Hindi rin natuloy. At okay naman sa akin dahil nga hindi na kailangan ng TV ngayon, digital na lahat, e. Anybody could put up their own. Labanan na lang ngayon ng content,” paliwanag ng dating governor ng Ilocos Sur na may sarili na ring entertainment company.
Samantala, natanong din siya kung magpo-produce rin siya ng pelikula? “Oo, puwede rin. Naghahanap ako ng magandang story, direktor. Magagaling ang mga direktor natin.”
“Kapag may magandang istorya, open pa rin ako. Kasi yung nanay ko, nagprodyus nu’ng araw, marami nang nagawa. Producer din kasi yung parents ko,” sabi pa ni Singson.
Naisalin na sa pelikula ang life story niya kaya natanong din si Singson kung may dream project ba siya sakaling mag-produce siya uli, “Wala naman. Ha-hahahaha!
“Wala na akong mahihiling sa ating Panginoon dahil sa malaking tulong sa akin. Para sa akin, ahh nagpapasalamat na lang ako araw-araw paggising ko dahil buhay pa ako.
“And tulong na lang sa ibang tao. Lahat naman, ginagawa ko. Pati yung pinakamahirap. Pinakamahirap, patawarin mo yung kalaban mo, yung nagmumura sa yo,” sabi pa niya.
Sundot na question sa kanya kung may kaaway o kalaban pa ba siya ngayon, “Wala naman. Lahat ng nakalaban ko sa politics, magkakaibigan na kaming lahat.
“Si Pareng Erap, magkaibigan na kami pagkatapos magkaroon kami ng misunderstanding. Si Manny Pacquiao, magkaibigan na kami. Lahat, lahat,” sey pa ni Gov. Chavit.
Kathryn Bernardo kinilala sa Seoul International Drama Awards, wagi ng ‘Outstanding Asian Star’
Chavit Singson nagpaagaw ng pera gamit ang ‘golden gun’, may mga natuwa pero marami ring nagalit