Finale ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’ nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi waging-wagi, fans humiling ng season 2

Finale ng 'Ang Lalaki sa Likod ng Profile' nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi waging-wagi, fans humiling ng season 2

Wilbert Ross at Yukii Takahashi

KAMAKAILAN lamang, nagwakas na ang digital serye na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.

Ito na nga ang hinahangad na “happily ever after” ng mga tapat na tagasunod ng “ALSLNP” na napanood sa Puregold YouTube Channel, ilang taon na ang nakalipas mula noong nagpasya ang dalawa na lumayo at hanapin ang sarili, at ang kani-kaniyang pag-unlad.

Ipinakita rin ng finale ang pagwawakas sa iba pang aspekto gaya ng pagkakaibigan–sina Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras). Nasaksihan din ng fans kung ano ang nangyari sa buhay ng nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez), at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama).


May pasilip din sa kinahantungan ng mga karera nina Bryce at Angge. Sumatotal, nagpamalas ng napakaraming aral ang “ALSLNP” sa mga realidad ng buhay, na damang-dama ng mga manonood.

Katulad ng nakaraang YouTube serye ng Puregold Channel na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask”, at ang premyadong Tiktok serye na 52 Weeks, tagumpay ang “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 nitong subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.

Sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng “ALSNP”. Sa YouTube lamang ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.

Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.

Baka Bet Mo: TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

“Isang panalo para sa retailtainment ng Puregold itong ALSLNP,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold. “Masaya kami na lumikha kami ng kuwentong ipinapakita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Pilipino, at pati na rin ang mga napapanahong isyu.”

Hindi rin mapigil ng mga fan na ibahagi ang kanilang pagkasabik sa huling episode.

Sabi ni @easterlizaborcelis, “Grabeng ganda. Lagi akong nakaabang sa episode nito. More please.”

“Naaliw ako sa series na ito. More projects for these actors and actresses. Sarap din minsan makanapanood ng light lang na drama, may comedy pa,” dagdag ni @pril0413.


Kontento naman si @bricemendez6401 sa pagtatapos ng serye, “Nagustuhan ko talaga ito. Husay, lahat panalo! Para sa akin bu-solve na ako rito, hindi bitin, hindi na kailangan ng season 2. Naipasok na lahat ng sustansya’t aral dito sa series na ito. Pero sana magkaroon ulit ng Yukii-Wilbert projects.”

Sa kabilang banda, umaasa si @grandesorellavlog4582 na may ikalawang season pa. “Wah! Thanks Ninang Puregold. I love it. I hope may Season 2 for them. This story has a lesson for everyone na you have to be brave and take a risk to [express] your feelings to the person that is special [in] your life, so that you will have no regrets in life.”

Sabi ni Piedad sa fans ng “ALSLNP”, “Nangangako kami na magsisilbi sa mga suki sa pinakamahusay na paraan. Nagbibigay kami hindi lamang ng dakalidad na produkto, kung hindi pati na rin content na nagbibigay-saya at inspirasyon. Mag-subscribe lamang at abangan ang iba pang magagandang kuwento!”

Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi adik na adik sa ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’: ‘Mas excited pa ‘ko dito kesa sa sahod ko, promise!’

Read more...