Joseph Marco sinagip ang pusang may sakit na pagala-gala sa kalye, agad na dinala sa vet: ‘Prayers for Sylvester’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Joseph Marco
MARAMING na-touch sa ginawa ng Kapamilya hunk actor na si Joseph Marco sa isang pusa na pagala-gala sa isang kalye kamakailan.
Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang pagsagip ng binata sa pusang payat na payat at pinaniniwalaang may malubha nang sakit.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Joseph ang video kung saan makikita kung paano niya tinulungan at sinagip ang kaawa-awang pusa. Pinangalanan ng aktor ang bagong alagang hayop na si Sylvester.
Sa nasabing video, kitang-kita ang paglapit ni Joseph sa pusa at ang pagkarga niya rito saka inilagay sa maliit na kahon. Isinama niya ito sa loob ng kanyang sasakyan para dalhin sa isang veterinary clinic.
“I would always play with this cat everytime I visit my resto. But I got alarmed, he lost so much weight,” pahayag ni Joseph.
“He has colds and been squeezing a lot. So I decided to bring him to the vet,” aniya pa.
Sabi pa ni Joseph, “He was pretty confused. I guess he has never been inside a car. I named him Sylvester. It’s his first time going to the vet. Hope he recovers soon. Prayers for Sylvester.”
Maraming netizens ang nagkomento sa post ng aktor at halos lahat sila ay nagsabing saludo sila sa ipinakitang pagmamalasakit nito sa “pusakal” o ang tinatawag na pusang kalye.
“Praying for his recovery,” ang komento ng aktres na si Alexa Ilacad sa IG post ni Joseph.
Narito ang ilan pang comments na nabasa namin sa IG post ni Joseph.
“You’re handsome but your heart is kind.”
“Awwwww this is so heartwarming.”
”I really didn’t mistaken for being a fan of your’s & support you. such a nice guy.”
“Aww that’s how nice of you.”
“Good job Marco.”
“I love you for this, joseph! thank you so much!”
“Ay Grabeh!!! Thank you Sir, Marco!”
“You’re such a compassionate guy. Please post an update.”
“Good job Marco I’ve been doing taking care of strangers and abandoned cats and giving them free foods and a place to live.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong at sumagip ng pusang gala si Joseph. Nauna na rito ang ginawa niyang pagtulong sa sugatang pusa na nakita niyang pagala-gala sa isang kalsada sa Makati City.