Dating intel officer ng US ibinunyag na ‘totoo’ ang aliens, UFO
WE are not alone.
‘Yan ang sinabi ng dating intelligence officer na si David Grusch sa naganap na congressional committee sa United States noong July 26.
Ayon kay Grusch, totoo na may aliens at UFO o tinatawag ngayon na “unidentified anomalous phenomena (UAP).
At ang mga ebidensya, aniya, na nagpapatunay nito ay tinatakpan at tinatago mismo ng US government.
“I was informed, in the course of my official duties, of a multidecade UAP crash retrieval and reverse-engineering program,” sey ng ex-intel officer.
Baka Bet Mo: Regine nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office: ‘Naging bahagi ito ng buhay ko’
Dagdag pa niya, “I made the decision, based on the data I collected, to report this information to my superiors and multiple inspectors general, and in effect becoming a whistleblower.”
Ilang ulit ding sinasabi ni Grusch na hindi pa niya lubusang maisiwalat ang iba pang impormasyon na kanyang hawak dahil ito raw ay “classified” at hindi niya pwedeng ilabas sa publiko.
Nabanggit din niya na ang kanyang mga testinomya ay base sa mga na-interview niya na may direktang kaalaman mismo sa UAPs.
“My testimony is based on information I’ve been given by individuals with a longstanding track record of legitimacy and service to this country — many of whom also shared compelling evidence in the form of photography, official documentation and classified oral testimony,” chika ng dating intel officer sa mga mambabatas.
Ang mga inamin ni Grusch ay sinuportahan naman ni US Representative Tim Burchett at kasabay niyan ay may ipinakita siyang testimonya mula sa dalawang dating Navy officers na mismong nakakita ng UAPs.
Sey pa ni Burchett, “This is an issue of government transparency. We can’t trust a government that does not trust its people.”
Nang matanong naman sa naganap na hearing ang tagapagsalita ng National Security Council na si John Kirby patungkol dito.
Ang isinagot niya ay wala siya sa posisyon na magsalita tungkol sa isyu.
“What we believe is that there are unexplained aerial phenomena that have been cited and reported by pilots — Navy and Air Force,” saad niya,
Aniya pa, “We don’t have the answers about what these phenomena are.”
Kahit nga ang Pentagon office na itinatag upang tukuyin ang “potential threat” ng UAPs ay walang inire-report na alien activities.
Noong nakaraang Mayo lamang ay naganap ang first public meeting ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) upang pag-usapan ang UAP at para linawin kung saan nanggagaling ang daan-daang “mysterious sightings.”
Related Chika:
Marian rarampa na sa Israel; kinabog si Bea sa dami ng luggage
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.