Panibagong bagyo nagbabadyang pumasok sa bansa ngayong weekend –PAGASA

Panibagong bagyo nagbabadyang pumasok sa bansa ngayong weekend –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

KALALABAS lang ng Bagyong Egay, may panibagong bagyo ang nagtatangkang pumasok sa ating bansa ngayong weekend.

Ibinalita ‘yan mismo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 28, sa isang press conference.

Ang Tropical Storm na may international name na Khanun ay huling namataan sa layong 1,345 kilometers silangan ng Eastern Visayas.

May taglay itong lakas na hangin na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kasalukuyang kumikilos ang naturang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour papunta sa hilaga.

Baka Bet Mo: Angelica ibinuking ang style sa panliligaw ng dyowa: Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach-beach na ganito!

Ayon sa weather bureau, “Falcon” ang itatawag sa bagyo sakaling pumasok na ito sa ating teritoryo.

Babala ni Weather Specialist Daniel James Villamil, “So patuloy itong lalakas sa mga susunod na araw at papasok ito bilang isang Typhoon category sa ating Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi hanggang sa Sunday ng madaling araw.”

Bagamat na inaasahang magiging isang Typhoon ang papasok na bagyo ay malayo naman daw ito sa kalupaan.

“Nakikita natin sa ating track na may kalayuan ito sa ating bansa, so nananatili na maliit ang tsansa na makapagtaas tayo ng Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng ating kapuluan sa mga susunod na araw,” paliwanag ni Villamil.

Ayon pa sa PAGASA, katulad sa nakaraang sama ng panahon ay palalakasin din nito ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na siyang magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.

“Ang mas magiging concern natin for the next three to five days ay habang binabaybay nitong Bagyong Khanun ang northern portion ng ating Philippine Area of Responsibility ay posible nitong muling pairalin o hatakin ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa mga susunod na araw,” sey ng weather specialist.

Related Chika:

Jake plano talagang pumasok sa politika tulad ni Erap, pero biglang nagbago ang desisyon

Read more...