Britney Spears, will.i.am muling nagsama after 11 years, naglabas ng bagong collab song

Britney Spears, will.i.am muling nagsama after 11 years, naglabas ng bagong collab song

PHOTO: Courtesy Sony Music

MAKALIPAS ang mahigit isang dekada, muling nagkasama at nagkatrabaho ang dalawang sikat na international artists.

Sila’y walang iba kundi ang award-winning American rapper na si will.i.am at ang Princess of Pop na si Britney Spears.

Naglabas sila ng bagong collaboration song na pinamagatang “Mind Your Business.”

Ang naturang pagsasanib-pwersa ay marka ng kanilang first reunion mula nang i-release ang kanilang 2012 hit song na “Scream & Shout.”

Baka Bet Mo: Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Maraming fans naman ang nag-enjoy sa nasabing single at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I love this song!!!!! I listen to it on repeat when I’m in my car with the windows down [red heart emoji].”

“It’s a pretty dance club-like, love it . I hope Britney releases more music in the future.”

“I actually love it. Hopefully this does well on the charts.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang  “Mind Your Business” ay kasunod lamang ng kalalabas lang na solo comeback ni will.i.am matapos ang isang dekadang pagpapahinga sa paggawa ng musika.

Ang bagong single ay kabilang sa inaabangang ika-limang solo album ng American rapper.

Matatandaang taong 2013 nang huling nag-release ng album ang rapper na may titulong “willpower.”

Related Chika:

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

Read more...