Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor Bandera

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

Therese Arceo |January 21,2022
share this

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

Therese Arceo January 21, 2022 - 01:42 PM

Maggie Wilson nakipag-safari date sa anak na si Connor

MULING nagkasama ang dating beauty queen at entrepreneur na si Maggie Wilson at ang nine-year-old son nitong si Connor.

Si Connor ay ang anak ni Maggie sa dating asawang si Victor Consunji.

Sa kanyang Instagram stories niya noong January 18 ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ng anak habang nagba-bonding sa Safari Adventure Park sa Mabalacat, Pampanga.

Mayroon ring video sina Maggie at Connor kung saan nagpapainom sila ng gatas sa isang baby tiger.

“In case you are wondering.. the scratch on my hand isn’t from this cutie. Their claws are not that sharp yet at this age,” saad ni Maggie.

Sulit na sulit naman ang moments ng dalawa at halatang happy rin si Connor sa kanilang adventure trip ng ina.

May mga larawan rin sila na may hawak na baby reptiles pati na rin ng iba’t ibang kulay ng parrots.

Matatandaang noong December 26, ay ibinahagi niya ang kanyang disappointment matapos hindi makasama ang anak noong Kapaskuhan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)

 

Ani Maggie, “Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for my family and friends with my son over. Unfortunately, I was denied that.

“Over Christmas Eve and Christmas Day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior.”

“It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in ‘certain’ families and as is seen as ‘normal’,” dagdag pa ni Maggie.

Matapos ng isang araw ng kanyang pagkaka-post ay ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram stories ang muli nilang pagkikita ng anak na nagbubukas ng kanyang mga Christmas gifts.

Related Chika:
Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son
Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending