Rochelle Pangilinan ‘feeling blessed’, ibinandera ang pagiging bibo at friendly ng anak

Rochelle Pangilinan ‘feeling blessed’, ibinandera ang pagiging bibo at friendly ng anak

PHOTO: Instagram/@rochellepangilinan

MASAYANG ibinandera ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan ang ilan sa mga proud moment bilang isang nanay.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi niya ang bonding nila ng anak na si Shiloh Jane habang namimili sa isang mall.

Mapapanood sa video kung gaano ka-bibo at ka-friendly ang kanyang unica hija sa lahat ng nakikita niya sa paligid.

Dahil diyan ay marami nga ang natutuwa sa tsikiting, kabilang na ang ilang staff ng mall.

Caption ng aktres sa kanyang post, “Her charm… I am blessed na magkaroon ng anak na nakakapagbigay ng kaunting ngiti o kasiyahan sa mga taong alam kong pagod na kakatrabaho.”

“Hindi kasya ang 1 1/2 min na video eh para maishare lang ang kasiyahan ko,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Rochelle ipinagluluto ang mga katrabaho sa lock-in taping: Hindi siya madali…sa mentalidad, pisikal, kaya ang pinakamasarap du’n, busog ka!

Maraming netizens naman ang napa-comment at pinuri ang good vibes na hatid ni Shiloh.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Very good girl!!! very polite…Congratulations you’re doing a good job! [red heart emojis].”

“Sooo cute and bright napakatalinong bata. At ang Ganda at bibo.”

“Uhhhh nakakatuwa at nakaka-touch po [random emojis] so cute little girl [hug emoji].”

Sa hiwalay na post ni Rochelle ay nagpahiwatig naman siya ng kanyang pagmamahal sa anak.

Sey niya, “Hindi kita iiwan…nandito lang ako,hanggang sa pagtanda namin ni Daddy mo anak.”

Si Shihloh ay anak ni Rochelle sa sa kanyang asawa at Kapuso actor na si Arthur Solinap.

Kung matatandaan, noong August 2017 nang ikinasal sina Rochelle at Arthur sa Tagaytay.

Related Chika:

Benedict Cua na-diagnose ng ‘major depression’: I was not able to handle the pressures of life…

Read more...