Promise ni Matteo Guidicelli sa birthday ni Sarah Geronimo: ‘I’ll always be right here beside you’

Promise ni Matteo Guidicelli sa birthday ni Sarah Geronimo: ‘I’ll always be right here beside you’

PHOTO: Instagram/@matteog

SA ika-35th birthday ng singer-actress na si Sarah Geronimo, walang sawang ipinagsigawan ng TV host-actor na si Matteo Guidicelli sa social media ang kanyang pagmamahal sa misis.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Matteo ang compilation video na kung saan ay mapapanood ang ilang moments nilang mag-asawa habang nagbabakasyon sa Mariposa Grove of Giant Sequoias sa Amerika noong Pebrero.

Kalakip niyan ang caption na inihayag niya ang kanyang pangako na lagi siyang nandyan para sa asawa.

Pagbati niya, “HAPPY BIRTHDAY to my beautiful wife! My God bless you with happiness, good health, wisdom and all the drive and passion in the world so you may fulfill all your dreams!”

“I’ll always be right here beside you. Keep smiling! I love you,” caption pa niya sa IG.

Baka Bet Mo: Matteo nag-share ng tips para sa mga mag-asawa, hiling sa fans nila ni Sarah: ‘Ipagdasal n’yo po kami, sana magka-baby na’

Makalipas ang ilang oras ay nag-post ulit ang aktor para sa special day ng misis at ipinakita naman ang ilang litrato ni Sarah na kuha sa Japan.

“Can’t wait to explore more of the world with you!! Happy birthday my love!!,” wika ni Matteo.

Bukod sa fans, maraming artista at katrabaho ang nagpaabot ng “happy birthday” messages para sa award-winning artist.

Kabilang na riyan ang mula sa GMA Network Senior Vice President na si Annette Gozon-Valdes, director Mae Cruz Alviar, at Kapuso stars na sina Christian Bautista and Shaira Diaz.

Kung matatandaan, ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 2020 sa isang secret wedding.

Nabahiran pa nga ito ng intriga at kontrobersiya dahil sumugod sa venue ng kanilang pag-iisang dibdib ang nanay ng aktres na si Mommy Divine Geronimo.

Balitang medyo umaayos na raw ang relasyon ni Sarah sa kanyang ina pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagkakaayos sina Matteo at Mommy Divine.

Related Chika:

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Read more...