Makalipas ang dalawang buwan, nag-last taping day na ang dalawang premyadong aktres para sa naturang pelikula mula sa Star Cinema at ABS-CBN Productions.
Nag-post si Kathryn sa kanyang Instagram account ng ilang video clips kung saan ipinasilip niya ang mga naging kaganapan sa kanilang wrap party. Aniya, hindi siya makapaniwala na nakatapos uli siya ng isang pelikula.
“Had the best time working on this project because of these talented and beautiful people,” ang bahagi ng kanyang caption.
Dugtong pa ng girlfriend ni Daniel Padilla, “Thank you for making this my happiest and most unforgettable shooting experience to date. Congratulations to us!!”
Bukod kina Dolly at Kathryn, kasama rin sa cast ng “A Very Good Girl” sina Jake Ejercito, Angel Aquino, and Chie Filomeno, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Nour Hooshmand.
Ito’y mula sa direksyon ni Petersen Vargas at sa panulat ni Marionne Dominique Mancol.
Sa isang panayam, inilarawan ni Kathryn ang pagsasama nila ng internationally-acclaimed Pinay actress na isang dream come true, “It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon.
“For sure marami akong matututunan sa kanya. I can’t wait to meet her again. What a great honor na gumawa at nabigyan niya ako ng oras,” sey ni Kath.
Ganito naman inilarawan ni Dolly si Kathryn base sa isa niyang past interview, “Cool siya. Sobrang cool. She has many facets. She’s fun to be with. She’s funny. Nakakatawa siya. She’s kalog.
“Walang kaere-ere, wala at all! In fact, para siyang ano… ang nakikita ko talaga sa kanya, honestly, is parang batang Ate Guy,” ani Dolly na ang tinutukoy ay ang nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
“She’s very friendly, kahit sinong lumapit, she’s always welcoming ang very warm. So that’s what I learned from her, to be a very warm person and to be you know a person for the people,” dagdag pa niya.