JENNYLYN nagluluksa: Sobra-sobra kasi ang pagmamahal niya kay LUIS!
Last week ay nasulat na hiwalay na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, pero kaagad namang pinabulaanan ito ng dalawa at sa katunayan ay magka-date pa raw sila sa nakaraang Aliw Awards.
Pero nitong linggo ay naglabasang kumpirmadong hiwalay na ang dalawa at ang itinuturong dahilan ay ang ex-boyfriend ng aktres na si Dennis Trillo kaya nalito kami kung ito rin ba ‘yung dati o bago na kaya’t tinext namin ang manager ni Jennylyn na si tita Becky Aguila tungkol dito.
“Yes it’s true, break na sina Luis at Jen last Monday (Oct. 14) lang,” textback sa amin. Kaya’t tinawagan na namin ang manager para mas malinaw ang takbo ng usapan naming.
“Reggs, it is better kung sina Luis at Jen manggaling ang reason kung bakit sila naghiwalay, kasi ayokong madamay and besides, I don’t meddle sa personal life ng mga artista ko, kaya sila na lang ang tanungin mo, please,” pakiusap sa amin ni tita Becky.
Sobrang naawa nga raw ang nasabing manager sa alaga niya dahil nga ramdam na ramdam nito ang paghihinagpis, “Naawa ako kay Jen, I feel for Jen now, kasi I know how she truly loves Luis, in fact, two years sila sa Oct. 18.
“Sayang, akala ko sila na, kasi nakita ko kung gaano kamahal ni Jen si Luis, si Luis ang pinaka-matindi niyang break-up kasi mahal na mahal niya, mabait kasi si Luis.
Maganda ang relasyon nilang dalawa, tahimik, walang gulo and maski ngayong they parted ways, maayos, okay sila,” kuwento ni tita Becky.
Posible kayang magkabalikan pa sina Luis at Jennylyn, “I don’t know Reggs, hindi ako nakikiaalam and bakit nangyari, God’s will na lang what’s next to happen,” katwiran sa amin.
Samantala, tinext namin si Luis noong Biyernes pagkatapos naming mag-usap ng manager ni Jen para kunan ng pahayag, “Mas maganda na private na lang sa amin, ate Reggs,” mabilis na sagot sa amin.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.