Marami lang ang nagtaka kung bakit napasama sina Richard at Bea gayung hindi naman nabalitang naging magkarelasyon sila.
Sa pagkakatanda namin ay nagsama ang dalawa sa pelikulang “Unbreakable” na ipinalabas noong 2019 mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar for Star Cinema. Kasama rin sa pelikula si Angelica bilang bestfriend ni Bea.
Anyway, ang nasabing group photo ay naka-post sa Truth Slaps Facebook account na may 4.8 million followers.
May netizen na nagkomento na tila “sumpa” raw ang magkaka-partners dahil hindi nga sila nagkatuluyan.
Pagtatanggol naman ni @Pao Lo, “Hindi ‘yun sumpa pag may trabaho ko hindi mo priority ang mag pamilya. Pera ang priority mo. Magpa-pamilya ka lang pag ma edad kana pag bata pa enjoy lang kaya bihira magkatuluyan pag bata pa.”
Kinontra naman siya ni @Ka Thana Page, “@Pao Lo hindi rin.”
Sagot ni @Pao Lo sa kanya, “Sinu bang gusto magka-forever agad sa age na 20s to 30s? Umay ang labas nu’n unless desidido ka talaga bihira ‘yung ganun most of the time pera muna work work work tikiman lang yan.”
Sang-ayon si @Zzaj Zellemira, “@Pao Lo truth.”
Say din ni @Jonalyn Martinez Laguidao, “wala poh kasing 4 ever ehh.”
Mula kay @Apple Hrpr, “Lahat hindi nagkatuluyan pero lahat masasaya na sa mga present nila.”
Sabi rin ni @Dennise Ramos, “Happy naman sa present life nila.”
Gayun din si @Nicka Macay Dalida, “Buti na lang kasi mas naging happy ang life nila with their partners now.”
Ayon kay @Christian Olithao, “Charge to Experience.”
“End game naman ang sabi ni @Rovie Rovie.”
Oo nga hindi man nagkatuluyan ang mga nabanggit na mga celebrities ay masasaya naman sila sa kanilang present life ngayon lalo na si John na kuntento sa married life niya with Isabel Oli kasama ang kanilang tatlong anak.
Si Derek ay may happy life rin sa asawang si Ellen Adarna at nagpaplano nang magkaanak next year.
Same with Billy na super saya sa asawang si Coleen Garcia kasama ang nag-iisa nilang anak na si Amari.
Si Nikki ay ine-enjoy din ang buhay may asawa with BJ Albert kasama ang dalawang anak nila.
Gayun din si Anne sa asawang si Erwan Heussaf na sobrang nababaliw sa pagiging bibo ng nag-iisang anak na si Dahlia.
Si Angelica naman ay engaged na rin sa tatay ng anak niya na si Gregg Homan na malapit na ring ikasal.
Richard presently enjoying being the father of two sons, Zion and Kai at panay ang out of the country travels nila ng asawang si Sarah Lahbati.
Si Sam naman ay ikakasal na sa 2024 sa kanyang long time girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Kakatanggap lang ni Bea ng marriage proposal mula sa boyfriend niyang si Dominic Roque nitong July 19.
At namumukod tanging si Shaina sa kasalukuyan ang nanatiling single dahil wala pa siyang ipinakikilang karelasyon.