DUMATING na si Pangulong Bongbong Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City para sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA).
Sakay ng presidential chopper, bumaba ang Pangulo suot ang kanyang napakaeleganteng Barong Tagalog, kasama ang mga miyembro ng Presidential Security Group.
Inaasahang magsisimula ang second Sona ng Pangulong Marcos sa ganap na alas-4 ng hapon.
Baka Bet Mo: Classical singer na si Lara Maigue bibida sa pagkanta ng ‘Pambansang Awit’ sa SONA ni PBBM
Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na ang kanyang magiging Sona ay isang “straightforward progress report” ng mga accomplishments ng kanyang administrasyon.
“It’s really very simple. It’s just a performance report for Filipinos to see that of all the pronouncements, of all the words, if this really has meaning or if it is just words,” sabi ng Pangulo.
Sa una niyang Sona, nangako si Marcos na pagtutuunan niya ng pansin ang mga pinakamahalagang issue sa bansa, kabilang na ang mga usapin hinggil sa ekonimiya, agrikultura, edukasyon at kalusugan.
Read more: