LALONG dumami ang mga lugar na makararanas ng malalakas na hangin dahil sa Bagyong Egay.
Pati na rin kasi ang bahagi ng Visayas ay inilagay na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, base sa 11 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Pati mismo ang Metro Manila ay itinaas na rin sa Signal No. 1.
Narito ang kumpletong listahan mula sa weather bureau.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 2
LUZON
-
Catanduanes
-
Central and eastern portion of Isabela (Palanan, Dinapigue, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Roxas, Burgos, Ilagan City, Divilacan, San Mariano, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, City of Cauayan, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Guillermo, Echague, Jones, Angadanan, Alicia, San Mateo, San Isidro, San Agustin)
-
Eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
-
Eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay)
-
Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
-
Eastern portion of Quirino (Maddela)
-
Eastern and central portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Amulung, Alcala, Iguig, Tuguegarao City, Solana, Enrile)
-
Northern portion of Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands)
VISAYAS
-
Northeastern portion of Northern Samar (Laoang, Palapag)
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
LUZON
-
Metro Manila
-
Rizal
-
Laguna
-
Sorsogon
-
Nalalabing bahagi ng Albay,
-
Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
-
Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
-
Nalalabing bahagi ng Isabela
-
Nalalabing bahagi ng Cagayan including Babuyan Islands
-
Apayao
-
Abra
-
Kalinga
-
Mountain Province
-
Ifugao
-
Nalalabing bahagi ng Quirino
-
Nueva Vizcaya
-
Batanes
-
Masbate including Ticao Island
-
Burias Island
-
Quezon including Pollilo Islands
-
Nalalabing bahagi ng Aurora
-
Benguet
-
Ilocos Sur
-
Ilocos Norte
-
La Union
-
Nueva Ecija
-
Pangasinan
-
Tarlac
-
Zambales
-
Bulacan
-
Pampanga
-
Bataan
-
Marinduque
-
Cavite
-
Eastern and central portion of Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando)
-
Northern and central portion of Batangas (Calaca, Cuenca, Taysan, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Santo Tomas, San Jose, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Nasugbu, San Juan, San Nicolas, Rosario, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)
VISAYAS
-
Eastern Samar,
-
Nalalabing bahagi ng Northern Samar
-
Samar
-
Biliran
-
Northern and central portion of Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Mahaplag, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, Abuyog, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Javier, Dulag, Capoocan, Alangalang, City of Baybay, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
-
Northern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin) including Bantayan Islands, Camotes Islands
Huling namataan ang Bagyong Egay sa layong 525 kilometers silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas na hanging 150 kilometers per hour at bugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Bumagal ang pagkilos ng bagyo papunta sa kanluran.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng tumama sa kalupaan ang bagyo simula bukas.
“Base sa ating pagtataya, posible pa rin ho ‘yung senaryo na magla-landfall ang bagyo o at least lalapit ito sa kalupaan ho ng Babuyan Islands at sa Batanes area between bukas ng gabi hanggang Miyerkules ng tanghali,” sey ni Weather Specialist Obet Badrina.
Babala pa ni Badrina, “Posible rin na ‘yung track nitong bagyo ay pumunta pa or mag-southward pa o mas lumapit pa sa kalupaan.”
“Kaya po ‘yung area nitong Cagayan Valley, partikular na ang probinsya ng Cagayan, gayundin sa Apayao at sa Ilocos Norte kailangan po talagang mag-ingat at maghanda ‘yung mga kababayan natin diyan dahil bukas ng gabi hanggang afternoon ng Miyerkules pinaka mararanasan ‘yung impact nitong Bagyong Egay,” paliwanag niya.
Sinabi rin ng weather specialist na may tsansang maging isang “Super Typhoon” ang bagyo sa mga susunod na araw.
Read more:
‘Egay’ isa nang Typhoon, posibleng mag-landfall sa bahagi ng Luzon; Signal no. 2 itinaas na –PAGASA
Bagyong Egay posibleng maging ‘Super Typhoon’ sa mga susunod na araw –PAGASA