#WalangPasok: Mga trabaho, klase sa Metro Manila suspendido sa July 24

#WalangPasok

WALANG pasok ang mga tanggapan ng gobyerno, pati na rin ang lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila pagdating ng Lunes, July 24.

Base ‘yan sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 25 na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong July 22.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay dahil sa naka-schedule na transport strike at masamang panahon sa araw na ‘yan.

Paglilinaw naman ni Bersamin, ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa health services, preparedness/response to disasters and calamities, at ilan pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang serbisyo at operasyon.

Samantala, ang mga pribadong kumpanya at eskwelahan ay nakadepende naman sa kanilang pamunuan.

Baka Bet Mo: Classical singer na si Lara Maigue bibida sa pagkanta ng ‘Pambansang Awit’ sa SONA ni PBBM

Sa Lunes na nakatakda ang ikalawang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Marcos na magaganap sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Dahil diyan, magkakaroon ng transport strike ang ilan sa mga transport group upang iprotesta ang Public Utility Vehicle modernization program ng gobyerno.

Bukod diyan ay inaasahan din na lalakas ang Bagyong Egay na posible pang maging isang Typhoon. 

Ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dahil sa bagyo at Hanging Habagat o Southwest Monsoon ay posibleng makaranas ng mga katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa araw mismo ng Sona ni Pangulong Marcos.

Related Chika:

Neri isinilang na ang kanilang baby no. 2 ni Chito; Alexa pasok bilang celebrity housemate sa ‘PBB’

Read more...