Pura Luka Vega pinatawan ng ‘persona non grata’ sa GenSan dahil sa ‘Ama Namin’ drag performance

Pura Luka Vega pinatawan ng ‘persona non grata’ sa GenSan dahil sa ‘Ama Namin’ drag performance

PHOTO: Instagram/@puralukavega

LUBOS na kinokondena ng General Santos City (GenSan) ang ginawang pambabastos ng drag performer na si Pura Luka Vega sa sagradong awitin ng mga Katoliko na “Ama Namin.”

Dahil diyan, siya ay pinatawan ng parusang “persona non grata.”

Ang ibig sabihin niya, naka-ban na o hindi na pwedeng magpunta ang drag queen sa nasabing lungsod.

“The 20th Sangguniang Panlungsod also passed a resolution condemning the Ama Namin Remix drag performance of Drag Queen Pura Luca Vega or Amadeus Fernando Pagente in real life,” Saad ng lokal na pamahalaan sa isang Facebook post.

Dagdag pa, “Along with that, Pagente was also declared as ‘persona non grata’ or an unwelcome person in General Santos City.”

“According to the body, while the City Council recognized the Freedom of Speech and Expression and Freedom to Travel of the performer, the resolution was meant to show the feelings and sentiments of the largely Christian population of the city,” paliwanag pa ng GenSan LGU.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega nanindigan sa drag performance: They shouldn’t tell me how I practice my faith

Kung maaalala, noong nakaraan lamang ay mainit na pinag-usapan sa online world ang video ni Pura na makikita siyang nakabihis bilang si Hesus habang kumakanta at sumasayaw siya sa remix version ng “Ama Namin.”

Ibinandera niya ‘yan mismo sa kanyang Twitter account at may caption pa na, “Thank you for coming to church!”

Agad naman itong nag-viral at umabot na nga rin mula sa ibang mga pulitiko at miyembro ng religious groups.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), maituturing itong “mockery” at “blasphemous.”

Hindi rin ito nagustuhan ng 1st District of Bataan representative at advocate ng LGBTQIA+ community na si Geraldine Roman.

Sey niya sa isang interview, “Paalala din po sa mga miyembro ng LGBT+ Community, always remember that each and everyone of us carries the rainbow flag so dapat let us always do good dahil kapag isang LGBT+ ang nagkamali sa lipunan buong komunidad ang hinuhusgahan.”

“Let us not do our own community a disservice. Umayos tayo! We have everything to gain if we do good or even better,” pagpapaalala pa ni Roman.

Ngunit nanindigan naman ang drag queen sa kanyang naging kontrobersyal na drag performance at sinabi pa niya na isa itong “form of art and expression.”

Iginiit din niya na ito ang kanyang paraan upang purihin ang Diyos.

As of this writing, wala pang reaksyon ang drag performer patungkol sa ipinataw na parusa sa kanya ng GenSan.

Related Chika:

Read more...