Ayon sa Pambansang Bae, na-master na niya ang “art of dedma” sa ilang taon na niya sa showbiz at natutunan na rin niya ang pagiging “bulag, pipi at bingi” pagdating sa toxic ng social media.
“Minsan kasi of course tao lang tayo. Doon nga po pumapasok ‘yung ‘quote unquote,’ tao lang tayo kahit gaano mo katagal i-shield ‘yung sarili mo rito sa mga bagay na ‘to na present sa paligid especially sa mga tao sa paligid mo na hindi ka gusto.
“False news about you na ayaw mong mag-react kasi… I never really react to these people because I know myself. I know the truth and I don’t really have to explain myself every now and then kapag nagkakaroon po ng issues,” pahayag ni Alden nang humarap sa zoom presscon para sa whole month special ng “Magpakailanman” kung saan siya ang bibida sa apat na episodes ngayong August.
Nang tanungin kung anu-ano bang “stress” ang tinutukoy niya, “First, may family problem as well nandiyan din po ‘yan and then ‘yung different kind of pressures.
Baka Bet Mo: Alden bilib sa pagiging totoong tao ni Julia, 2 araw nag-bonding: ‘She’s really a brave woman! Ang tapang!’
“So, dumarating po talaga sa point na nahahabol niya po ako nang sabay-sabay,” sey pa ni Alden.
“With acting, kahit paano every now and then acting and gaming natatakasan ko po sila.
“And then after a while kasi minsan kapag nalulunod tayo sa problema hindi natin naiisip ‘yung solusyon dahil masyadong malaki ‘yung problema para makapag-isip tayo nang tama.
“So with the things that I love to do, which is acting and gaming, at least nagkakaroon ako ng time off na i-eject ko ‘yung sarili ko du’n then nakakapag-isip ako ng mga solusyon.
“Of course, nandiyan ang prayers para tulungan tayo pero minsan po kasi may mga problema na ‘di kayang ma-solve ng kahit sino sa paligid mo other than yourself. Ikaw ang tutulong. Ikaw ang magso-solve.
“So ‘yun po ‘yung mga life lessons ko na natutunan dito sa industriya at sa pagtatrabaho ko po sa showbiz,” pahayag pa ng Kapuso matinee idol.
Inamin din ni Alden na hindi siya masyadong gumagamit ng social media at hindi siya masyadong nagpo-post ng mga mamahaling bagay na binibili niya para sa kanyang sarili.
“‘Yung life flexing medyo hindi po ako fan. Sinasabi nu’ng iba na ginagawa nila ‘yun for inspiration. ‘Yun ba talaga ‘yun? Magpo-post kang may hawak kang isang makakapal na bundle na tig-iisang libo.
“Ipapakita mo ‘yung kotse mo. Ipapakita mo ‘yung bahay mo. Ipapakita ‘yung relo mo tapos sasabihin mo inspiration. ‘Yun ba talaga ‘yung objective I mean real talk gusto kong real talk-in ‘tong mga taong ‘to minsan eh,” sey ng binata.
Pero biglang kabig ng aktor at TV host, “Hindi, joke lang po. Pero ‘yun parang pwede kang makapagbigay ng inspirasyon ng hindi ka nagpapakita ng materyal na bagay.
“Hindi po ‘yun ang POV (point of view) ko diyan. So ‘yun the simplicity of life. Enjoy the simplicity of life and hindi ‘yung paghahanap ng mga bagay na wala ako, ‘yun lang po ang makakapagpa-depress sa akin kaya hindi ko na siya hinahanap,” aniya pa.
Samantala, okay lang kay Alden kung gagawan ng updated version ang kanyang life story sa “Magpakailanman”. Ten years ago kasi ay na-feature na sa “#MPK” ang kanyang buhay.
“Kung ‘yung unang part po ng buhay ko is 2013 pa po ‘yun eh, 10 years ago na po pinalabas ‘yung life story ko po. Then ‘yung gusto ko po sana ang magiging highlight naman kung magkaka-part 2 is I want the episode to be a feel good episode yet inspirational.
“Siyempre sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat nagiging masarap ang journey. Lagi ‘yan kumbaga ‘yin and yang’ ‘yan. In every good, there’s always a bad and in every bad there’s always a good.
“So it’s a cycle. It’s a continuous journey and ‘yun po kasi dun parang life story ko when we were kids, naghirap po kami, ‘yung condition po ng Mom ko towards the death bed tapos ‘yung nag-start po akong maging artista, etcetera. So kung may second part man po sana from that part going na to where I am now. Sana ganu’n,” aniya pa.
Related Chika: