COVID-19 ‘public health emergency’ sa Pilipinas pinawalang-bisa na ni PBBM

COVID-19 ‘public health emergency’ sa Pilipinas pinawalang-bisa na ni PBBM

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

TINANGGAL na ni Pangulong Bongbong Marcos ang “public health emergency” sa buong bansa.

Alinsunod ‘yan sa Proclamation No. 297 na inilabas noong July 21.

Nakasaad sa pinirmahan ng pangulo na bagamat inalis na ang “emergency status” sa bansa dahil sa pandemya ay ipagpapatuloy pa rin ang “all emergency use authorization” na inisyu ng mga regulator ng gobyerno hanggang sa susunod na taon.

Ito raw ay upang magamit pa ang mga natitirang bakuna laban sa COVID-19.

“All prior orders, memoranda, and issuances that are effective only during the State of Public Health Emergency shall be deemed withdrawn, revoked or canceled and shall no longer be in effect,” saad sa Proclamation No. 297.

Baka Bet Mo: COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO

Dagdag pa, “All emergency use authorization issued by the Food and Drug Administration pursuant to Executive Order No. 121 shall remain valid for a period of one year from the date of lifting of the State of Public Health Emergency for the sole purposes of exhausting the remaining vaccine.” 

Ipinaliwanag din sa direktiba ng presidente na kahit nananatiling “serious concern” ang naturang virus, napanatili ng bansa ang “sufficient healthcare system capacity” at “low hospital bed utilization rates.” 

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tiyakin na ang kanilang mga patakaran ay aangkop sa pagtanggal ng COVID-19 state of public health emergency.

Ito ay dahil pinapayagan ng nasabing kautusan ang pag-amyenda at pagpapahayag ng mga patakaran at regulasyon na umayon sa Proclamation No. 297.

Kung maaalala, taong 2020 nang pinirmahan ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na naglagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng state of public health emergency dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Read more:

Read more...