Chie Filomeno nilinaw na ‘single’ pa rin, nais pang i-enjoy ang ‘me time’

Chie Filomeno nilinaw na ‘single’ pa rin, nais pang i-enjoy ang ‘me time’

PHOTO: Instagram/@chiefilomeno

SINGLE pa rin at walang dyowa ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno.

‘Yan ang nilinaw mismo ng aktres sa kabila ng mga tsismis na nauugnay siya sa aktor na si Jake Cuenca.

Bilang naging cover girl si Chie ng Cosmopolitan magazine ay dito na rin niya ipinaliwanag kung bakit ayaw pa niyang magka-boyfriend.

Paliwanag ng aktres, nais niyang siguraduhin na ang kanyang magiging partner ay kanya nang magiging “forever.”

Bukod diyan, gusto na muna niyang ma-enjoy ang kanyang sarili.

“I’m enjoying my me time,” sey niya sa entertainment magazine.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca umamin na sa tunay na relasyon nila ni Chie Filomeno: ‘We’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company’

Paliwanag pa niya, “You don’t need to be in a relationship to be happy. A relationship for me is an investment. ‘Yung gusto ko sa tao na paglalaanan ko, ‘yun na ‘yun.”

“Kasi we’re not getting any younger, so invest wisely,” dagdag niya.

Payo pa niya, “With singlehood, just enjoy it. Doon mo rin mahahanap yung confidence mo, ‘pag naging single ka.”

Kung maaalala, nauna nang inamin ni Chie na wala pa silang label ni Jake at nasa “getting to know” stage pa lamang sila.

Kwento pa ng aktres sa isang interview, hindi sila nagmamadali sa kanilang relasyon dahil iba ang prayoridad niya sa buhay.

Nauna rin namang sinabi ni Jake na abala rin siya ngayon sa trabaho, pero gumagawa pa rin siya ng paraan upang makipag-date.

Ang nagustuhan daw ng aktor kay Chie ay ‘yung kabutihang loob nito, lalo na pagdating sa pamilya.

Pagtatapat ng aktor, “To be honest, I already knew that she was a very kind person the first time we dated. She’s also very family-oriented. I appreciate that about her because I’m also like that.”

Kung maaalala, naging usap-usapan sa social media ang dalawang artista dahil agaw-pansin ang madalas na pagla-like at pagko-comment ni Jake sa mga posts ni Chie.

Related Chika:

Read more...