EXO member Doh Kyung-Soo ‘survival mode’ sa upcoming film na ‘The Moon’

Exo member Doh Kyung-Soo ‘survival mode’ sa upcoming film na ‘The Moon’

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

KAABANG-ABANG ang bagong pelikula na pagbibidahan ng isa sa mga miyembro ng K-Pop boy group na EXO na si Doh Kyung-Soo.

Ito ang survival film na pinamagatang “The Moon” na nakatakdang ipalabas sa August 16.

Mala-roller coaster ride ang mararamdaman kapag napanood niyo ito dahil bukod sa drama, ito rin ay nakakabigla at may maaksyon na mga eksena.

Ang gagampanang karakter ng Korean idol ay ang papel bilang astronaut na na-stranded sa space.

Base sa inilabas na trailer, ang pelikula ay tungkol sa ilang space missions ng Korea papunta sa buwan.

Baka Bet Mo: Mga pelikulang ‘Barbie’, ‘Oppenheimer’ umarangkada na sa mga sinehan

Nagkaroon ng eksena na kung saan ay nilunsad nila ang first manned mission ngunit nagkaroon lamang ng kalunos-lunos na sakuna matapos sumabog ang sinasakyan ng astronaut sa kalawakan.

Matapos ang pitong taon ay muli silang nagpadala ng astronaut sa buwan at ito ay naging matagumpay naman.

Ngunit dahil sa malakas na solar wind ay muling humarap sa pagsubok ang kanilang astronaut at siya ay naiwang stranded sa space.

Sa pagkakataon na ‘yan ay hindi sumuko ang Naro Space Center na tulungang makauwi nang ligtas ang kanilang ipinadalang astronaut.

Ang epic-action film ay mula sa direksyon ni Kim Yong-hwa, ang isa sa mga sikat at kilalang direktor pagdating sa Korean cinema.

Bukod sa Exo member, tampok din ang veteran actor na si Sul Kyung-gu at award-winning actress na si Kim Hee-ae.

Related Chika:

#NakakaProud: Pinoy BTS at EXO fans nagtayo na rin ng mga community pantry

Read more...