Barbie Forteza ‘nagulat’, nagpasalamat kay Ivana Alawi matapos sabihang ‘nicest GMA artist’

Barbie Forteza ‘nagulat’, nagpasalamat kay Ivana Alawi matapos sabihang ‘nicest GMA artist’

Barbie Forteza, Ivana Alawi

MABILIS na nakarating sa Kapuso actress na si Barbie Forteza ang naging rebelasyon ng actress-vlogger na si Ivana Alawi patungkol sa kanya.

Noong nakaraang araw lamang kasi ay ibinunyag ni Ivana sa kanyang YouTube vlog kung bakit hindi niya malilimutan ang aktres.

Ayon kay Ivana, si Barbie lang kasi ang naging mabait sa kanya na artista noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz industry.

“Basta marami [ang nagmamaldita at nagsusungit], and then ang pinaka naging mabait sa akin na hindi ko makakalimutan, hindi ko pa siya nakakausap after pero si Barbie Forteza,” sey ng vlogger. 

Chika pa niya sa pagkatao ng aktres, “Siya ay sobrang bait. Totoo talaga siya. Kaya super blessed niya kasi she really has a good heart.”

Hindi naman nagtagal ay napa-react na nga si Barbie sa mga sinabi ni Ivana at lubos niya itong pinasalamatan.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza aminadong kinuwestiyon ang sarili noon, masayang natutupad na ang mga pangarap

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ng aktres ang bahagi ng vlog ni Ivana na kung saan ay kinukwento nito ang naging encounter sa kanya.

Caption pa niya, “Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi [folded hands emoji] so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona [smiling face with halo emoji] Hi po tita! [smiling face with hearts emoji]

Kahit ang ilang fans at nerizens ay sumang-ayon din sa kabaitan at kabutuhang loob ni Barbie.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“‘Nung sa palabas niya sa ‘First Time’ extra ako. During break time pinaupo siya sa may tabi ko wala siyang arte okay lang sa kanya. Unlike sa iba niyang kasama na artist hindi mo man makikita tumatabi sa mga extra.”

“I think why a lot of people love Barbie is because she’s so genuine, a true humble person with no arte much in any aspects. and she seems so fun to get along with.”

“Proud of you, Barbie! Mabait sa mga magulang, mabait sa pamilya, sa friends, sa fans and sa mga katrabaho. Kaya tinatangi at iniibig, eh. Fretty fretty pa! [smiling face with heart eyes emoji]”

Related Chika:

Heart Evangelista umalis na sa bahay nila ni Chiz Escudero; nali-link na Italian guy beki raw?

Read more...