Birth, marriage certificate di kailangan para makapag-loan
GOOD day Madam. Ako po si Joselito Bongcaya ng Camarines Norte. Nais ko lang pong kumpirmahin sa Pag-ibig Fund ang si-nabi po ng accountant namin. Gusto ko po ka-sing mag-salary loan sa Pag-ibig kaso po sabi po ng accountant namin na hindi pa daw po ako maaaring makapagloan kasi kulang-kulang daw po ang mga dokumento ko.
May apat po akong anak. Isa raw po sa requirements ay mga birth certificate ng mga anak ko na NSO certified. Kaya daw po hindi ma-process yung loan ko ay dahil hindi ko pa raw po nasasubmit ang marriage certificate namin at birth certificate ng mga anak ko.
May katotohanan po ba ang sinasabi ng accountant namin? Sabi pa niya na kahit updated ang mga remittances namin ay hindi raw po kami makakaavail ng mga loans at kailangan pa raw pong kumpletuhin ang mga requirements.
Wala po kasi akong panahon na pumunta ng office ng Pag-ibig kaya gusto ko po sanang kumpirmahin kahit man lamang po rito sa kolum ninyo.
Anu-ano pa po ba ang mga requirements para makapagsalary loan po ako sa Pag-ibig? Lubos na umaasa po ako sa inyong pagtugon.
Maraming salamat po,
Joselito
REPLY: Dear Mr. Bongcaya,
Ito po ay tungkol sa liham na inyong ipinadala sa Aksyon Line noong 18 Setyembre 2013 hinggil sa inyong pagnanais na makapagloan sa Pag-IBIG Fund. Nais po naming linawin na hindi ninyo kailangang magsumite ng inyong Marriage Contract at Birth Certificates ng inyong mga anak upang makapangutang sa Pag-IBIG sa ilalim ng Multi-Purpose Loan Program nito (ang katumbas ng inyong binanggit na “salary loan”).
Nais din po naming ipaalam sa inyo na kung kayo ay isang aktibong miyembro ng Pag-IBIG na nakapaghulog ng hindi bababa sa 24 monthly contributions ay maaari na kayong makahiram sa ila-lim ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan (MPL) Program. Isa itong programa kung saan ang inyong mahihiram ay depende sa inyong total savings o Total Accumulated Value (TAV) sa Pag-IBIG at tagal ng paghuhulog. Narito po:
Number of Contributions Loan Amount
24-59 months – up to 60% of TAV
60-119 months – up to 70 % of TAV
120 months or more – up to 80% of TAV
Upang mag-file ng MPL, paki-fill out lamang ang MPL form kasama ang Certification of Net Pay sa likod nito. Isumite ang nasagutang form, kasama ang photocopies ng inyong dalawang (2) valid ID cards sa Pag-IBIG Fund Branch kung saan naghuhulog ang inyong kasalukuyang kompanya. Kung hindi kayo personal na makakapag-file ng in-yong MPL application, maaari ninyong ipa-file ang iyong application sa Pag-IBIG Fund Coordinator ng inyong kumpanya o kahit sinong kinatawan. Kailangan lamang magdala ng inyong kinatawan ng Special Power of Attorney (SPA), dalawang (2) kopya ng inyong valid IDs at ng inyong kinatawan (dalhin ang mga orihinal na kopya ng mga IDs para ma-aunthenticate).
Maraming salamat po.
Gumagalang,
FLORENCIO O. GALANG, JR.
Department
Manager III
Public and
Media Affairs Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.