Ivana Alawi inamin kung magkano ang kinikita bilang vlogger: Baka sabihin nagyayabang

Ivana Alawi inamin kung magkano ang kinikita sa YouTube: Baka sabihin nagyayabang
SINAGOT na ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi kung magkano nga ba ang kinikita niya sa kanyang YouTube channel.

Sa kanyang recent vlog kung saan kasama niya ang ina at mga kapatid ay sinagot nila ang ilang mga katanungan sa kanila ng netizens habang kumakain sila ng Japanese food.

Noon pa kasi ay marami na ang nagtatanong hindi lang kay Ivana pati sa kanyang kapatid na si Hash kung magkano ang kanilang kinikita sa pagba-vlog.

Kaya naman sinagot na ito ng aktres para matapos na ang mga pangungulit sa kanya.

“Ang kinikita ko lang [ay] six digits. Hindi ‘yun totoo na parang kumikita ka ng [one] million per day. Pangalawa, hindi ako sumali sa YouTube para kumita,” saad ni Ivana.

Pagpapatuloy niya, “Hindi siya ganun, per ad siya, per view, kung gaano katagal yung ad ng tao, ano yung ad, kung magki-click sila.”

Baka Bet Mo:

Kasunod nito ay sinabi ni Ivana na kumikita siya mula P200,000 hanggang kalahating milyon.

Ngunit paglilinaw niya, nagbabayad siya ng tax sa kanyang mga kinikita.

“Pero guys nagbabayad naman ako ng tax. BIR kumusta you? Nagbabayad talaga ako ng tax kaya wala akong kinakatakot,” proud na sey ni Ivana.

Ayaw raw talaga niyang sabihin dahil baka isipin ng iba ay nagba-brag siya pero dahil maraming nagtatanong ay sinagot na niya.

“Pero hindi ko alam kung gusto kong i-disclose baka isipin niyo nagyayabang… hindi! Pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong ayan okay,” lahad ni Ivana.

Samantala, nitong Miyerkules, July 19, ay opisyal na pumirma ang dalaga ng kontrata sa ABS-CBN bilang tanda na nananatili siyang Kapamilya.

Related Chika:
Ivana umoo agad sa MMFF entry nila ni Vice kahit hindi pa nababasa ang script: OMG! Big achievement na yun para sa akin!

Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Read more...