LJ Reyes pak na pak sa kanyang ‘glassy’ look para sa prenup: ‘Napaganda ang haggard na mommy!’

LJ Reyes pak na pak sa kanyang ‘glassy’ look para sa prenup: ‘Napaganda ang haggard na mommy!’

PHOTO: Instagram/@mikkamarcaida

KITANG-KITA ang pagiging blooming ng bride-to-be celebrity na si LJ Reyes!

Ibinandera kasi sa isang Instagram post ang kanyang transformation matapos ayusan para sa kanyang pre-nuptial photoshoot na ginawa sa New York City sa Amerika.

Sa IG post ng makeup artist ni LJ na si Mikka Marcaida, makikita ang simple but elegant look ng aktres.

Caption pa sa post, “Glossy and glassy for our bride to be @lj_reyes [white heart emoji].”

Baka Bet Mo: LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

Nag-reply naman diyan mismo si LJ at lubos na pinasalamatan si Mikka dahil pinaganda siya nito lalo.

“Thank you so much Mikka!!! Napaganda mo ang haggard na mommy [laughing face emoji],” sey ng aktres.

Aniya pa, “So excited for THE day! [red heart emoji] rooting for your career here in the US!”

Makikita rin sa comment section na napa-wow at tuwang-tuwa ang ilang malalapit na artista ni LJ.

“Whaaaaaaaa!!!!!!!!! [red heart emoji] bakit iiyak na ako? ikakasal na ang besy nyo [smiling face with heart eyes emoji],” komento ni Chynna Ortaleza.

Lahad naman ni Andrea Torres, “Ang ganda!!!!”

Saad ni Isabel Oli, “Ganda [smiling face with heart eyes emoji].”

Magugunita noong Mayo lang nang mag-propose kay LJ ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Tatlong taon nang naninirahan ang aktres sa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Iniwan niya ang Pilipinas noong 2021 matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis.

Related Chika:

Jennica fresh at blooming sa taping kahit hiwalay na kay Alwyn; Bianca kinabahan kay Dennis

Read more...