Showbiz reporter inireklamo ng kilalang female celeb, nakikipagplastikan lang tuwing may presscon

Showbiz reporter inireklamo ng kilalang female celeb, nakikipagplastikan lang tuwing may presscon

Guess, guess who!?

NAKIKIPAGPLASTIKAN lang pala ang kilalang aktres sa mga reporters kapag mediacon ng proyektong kasama siya dahil ang totoo ay ayaw na ayaw niyang nakikipagngitian.

Bagama’t matagal na naming napapansin ang kilalang aktres na hindi siya kumportable during mediacon base na rin sa body language niya ay halata rin kung paano siya sumagot sa mga tanong dahil walang liguy-ligoy.

Sa tsikahan ng mga bossing ng isang movie outfit ay naroon ang kilalang aktres dahil kasama siya sa project na bumabangka rin sa mga tsikahan at dito niya tinanong ang isa sa mga executive kung invited ba lagi ang kilalang entertainment reporter sa mediacon dahil hindi pala niya ito type.

Hindi naman din nagulat ang bossing ng movie outfit sa sinabi ng kilalang aktres dahil may mga naririnig na rin naman daw ito tungkol sa naturang reporter.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Ang katwiran ng kilalang aktres, “Mahilig siyang magtanong ng kung anu-ano at gusto niya siya ang masusunod kung ano ang isasagot ko. Parang putting words na into my mouth. I try naman to be nice sa lahat, may mga kabatian din naman ako, pero itong si ___ (reporter) nakakaloka.

“Siyempre nagpo-promote ka ng project, tapos tatanungin ka ng kung anu-ano pag sinagot mo in a nice way, sasabihin showbiz o plastikada, e, di sige mag-plastikan na lang, yun naman pala, eh,” aniya.

May binanggit pa ang aming source na minabuti naming hindi na lang sulatin dahil bilang reporter din ay nakakadismaya dahil ganu’n pala ang tingin ng kilalang aktres sa hanapbuhay namin.

Matagal na rin sa industriya ang kilalang aktres at marami na siya talagang naging proyekto pero parang mailap sa kanya ang acting awards.

Pero in fairness, lagi namang nominado sa mga award giving body at pati sa ibang bansa ay napapansin din, ‘yun nga lang bokya lagi.

Anyway, payo lang namin sa kilalang aktres sana gayahin niya sina Ara Mina at Gladys Reyes na aminadong napakalaki ng naitulong sa kanila ng media sa loob ng ilang dekada nilang pananatili sa showbiz.

Kaya labis ang pasasalamat nila sa lahat na kahit may social media accounts na sila na puwede nilang i-promote ang mga projects niya ay iba pa rin daw kapag nasusulat sila sa mga pahayagan at showbiz online sites.

AJ Raval mas hirap sa pagpapakita ng katawan kesa magpatawa sa pelikula

Lovi Poe palaban, walang inaatrasang tanong sa presscon; pasabog ang bagong project sa ABS-CBN

Read more...