Ariana Grande hiwalay na sa asawang si Dalton Gomez, planong mag-file ng divorce

Ariana Grande hiwalay na sa asawang si Dalton Gomez, planong mag-file ng divorce
HIWALAY na raw ang international singer-songwriter na si Ariana Grande sa asawa nitong si Dalton Gomez base sa report na inilabas ng TMZ.

Ayon sa balita, noong January pa nang maghiwalay ang dalawa nang hindi mag-work out ang kanilang relasyon sa kabila ng pagsubok nilang ayusin ito.

Bukod pa rito, plano na raw nina Ariana at Dalton na mag-file ng divorce para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Mapapansin rin na hindi na isinusuot ng “Thank U, Next” singer ang kanyang wedding ring sa mga nakalipas na araw.

Sa katunayan, walang suot na singsing si Ariana nang lumabas ito sa Wimbledon, isang tennis tournament na kilala sa buong mundo.

Baka Bet Mo: Ariana Grande sa mga naalarma sa biglaan niyang pagpayat: ‘Healthy can look different…you’re beautiful no matter what you’re going through’

Bago pa man mapabalita ang kanilang paghihiwalay ay hindi na talaga magkasama ang dalawa simula December 2022 dahil nagsimula nang mag-shoot ang singer para sa kanyang pelikulang “Wicked”.

Ayon naman sa report ng TMZ, bago pa man ito ay talagan on the rocks na ang relasyon nina Ariana at Dalton dahil may mga bagay silang hindi mapagkasunduan.

Wala pa namang inilalabas na pahayag o kumpirmasyon ang singer ukol sa isyung kumakalat.

May 2021 nang ikasal sina Ariana at Dalton.

Related Chika:
Hater ‘sunog’ kay Alex: Nakausap ko si Ariana Grande, OK naman at happy siya sa married life niya!

SB19, BTS, Blackpink, Ariana Grande maglalaban sa ‘Top Social Artist’ Billboard Music Awards 2021

Read more...