Moira Dela Torre, British singer na si Jamie Miller nag-collab sa kantang ‘Maybe Next Time’

Moira Dela Torre, British singer na si Jamie Miller nag-collab sa kantang ‘Maybe Next Time’

PHOTO: Instagram/jamiemiller

TILA hindi na napigilan ng fans ang kanilang pananabik matapos ianunsyo ng British singer na si Jamie Miller na may collaboration sila ng OPM singer na si Moira Dela Torre.

Magsasama ang dalawang singer sa bagong bersyon ng kanta ni Jamie na “Maybe Next Time.”

Ang teaser nito ay ibinandera mismo ng international singer sa Instagram noong July 14.

Makikita sa nasabing post ang isang picture at video na kung saan ay magka-video call sila ni Moira.

Kalakip din niyan ang caption na, “Something amazing is on the way [eyes emoji].”

Baka Bet Mo: OPM artist Zack Tabudlo nagsalita na tungkol sa kanila ni Moira, umaming sinaktan ang sarili at na-comatose: ‘I gave up, I couldn’t take it…’

Sa hiwalay na IG post ni Jamie, ibinahagi naman niya ang ilang linya ng kanta ng naging collab nila ng OPM singer at ibinunyag pa na ilalabas ito sa July 19.

“So stoked to announce that ‘Maybe Next Time ft. Moira’ will be coming out on July 19! [white heart emoji].”

Nag-reply naman mismo si Moira sa post na ‘yan ni Jamie at naglagay ng crying emoji.

Ang sagot naman sa kanya ni Jamie, “you are amazing! I’m so honored [white heart, fire emojis].”

Dahil diyan ay lalong na-excite ang maraming Pinoy fans at narito ang ilan sa mga sinabi nila:

“Lalo na sumakit yung kanta with Ate Moi [crying face emojis].”

“Waaaaah omg omg!!! My two favorites [sparkling emojis].”

“This is so unexpected Bumibirit na si Moira!”

Hindi ito ang unang beses na nakipag-collab sa isang Filipino singer si Jamie, dahil nakatrabaho na niya sa US concert si Morissette Amon noong Abril ng nakaraang taon.

Kilala si Jamie sa mga hit songs na “Here’s Your Perfect,” “It Is What It Is,” “Last Call” at “I Lost Myself in Loving You.”

Related Chika:

American actor Ezra Miller bibida sa bagong DC superhero film na ‘The Flash’

Read more...