Mismong ang Kapuso couple na ang nagsabi na daring and bolder ang pinaggagawa nila sa movie under GMA Productions, directed and written by Rod Marmol.
Ayon kay Julie Anne, ito na ang pinakapasabog at pinaka-intense na proyektong nagawa niya pero hindi naman daw siya nailang gawin ang mga intimate scenes nila ng kanyang dyowang si Rayver.
“Comfortable kasi ako kay Rayver. Nagpapasalamat nga ako na siya ang nakasama ko sa ‘The Cheating Game’. Siguro kung iba ang kasama ko, baka mailang talaga ako.
“Wala akong na-feel na awkwardness habang ginagawa `yon. Thankful ako na siya ang nakasama ko, dahil naramdaman ko kung paano niya ako alagaan,” sey ni Julie Anne.
Ibinuking din ng kanilang mga kasamahan sa movie kung gaan sila ka-sweet sa shooting. Sa katunayan, napa-sana all na lang si Direk Rod Marmol dahil saksi rin siya kung paano alagaan ni Rayver si Julie Anne.
Samantala, nabanggit din ni Julie Anne na super confident siya na hindi magloloko o magtsi-cheat si Rayver dahil malalim na ang foundation ng kanilang relasyon na nagsimula muna sa pagkakaibigan.
“Confident ako? Yes, oo, confident ako. And of course, Secure ako kasi, matagal na kaming magkaibigan. And I believe, friendship is the best foundation in any relationship.
“At tama rin ang sabi ni Winwyn (Marquez), best foot forward then makikilala mo. Dito, hindi na namin kailangang mag-pretend. Hindi na niya kailangang mag-pretend.
“Hindi ko na rin kailangan. And importante rin, ang compatibility and honesty sa isang relasyon,” sey pa ni Julie.
Kasama rin sa “The Cheating Game” sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba. Showing na ito sa mga sinehan simula sa July 26.