Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan

Herlene Budol pasok sa Top 15 finalists ng Miss Grand Philippines 2023, iba pang kandidata pinangalanan

INANUNSYO na sa Miss Grand Philippines 2023 coronation ang mga kandidata na pasok sa Top 15 finalist ng kompetisyon.

Narito ang kumpletong listahan:

  1. Tarlac – Francine Reyes 
  2. Cagayan de Oro City – Nikki De Moura 
  3. Urdaneta City – Faith Heterick 
  4. Pampanga – Dynara Maurer 
  5. Pangasinan – Rona Lalaine Lopez 
  6. Sultan Kudarat – Dianne Pampura
  7. Socorro, Quezon City – Queen Mongcupa
  8. Caloocan City – Shanon Tampon
  9. Occidental Mindoro – Gabrielle Runnstrom
  10. Nueva Ecija – Aeroz Ganiban
  11. Caluya, Antique – Charie Manalo Sergio
  12. Bagumbayan, Quezon City – Michelle Arceo 
  13. Northern Samar – Maria Gail Tobes
  14. Angono, Rizal – Herlene Budol 
  15. San Juan – Arine Ejercito Tan (Ambassadress of Goodwill)

 

Para sa mga hindi pa masyadong aware, kasalukuyang ginaganap ang coronation night ng nasabing pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Baka Bet Mo: Herlene Budol humirit sa founder ng Miss Grand International kahit hindi pa nasusungkit ang korona: ‘Promise hinding-hindi kita bubudulin!’

Ang mga nangunguna bilang host ng nasabing event ay ang aktor na si EA Guzamn, Miss World Philippines alumnae na sina Shaila Rebortera, Janelle Lewis at Maria Gigante.

Ang kompetisyon ang kauna-unahang edisyon ng Miss Grand Philippines sa ilalim ng management ng ALV Pageant Circle matapos mag-withdraw sa prangkisa ang Binibining Pilipinas Charities Inc.

Ang magwawagi sa kompetisyon ngayong gabi ay kokoronahan ng reigning Miss Grand Philippines Roberta Tamondong ng San Pablo, Laguna.

Ang makakakuha ng naturang titulo ay ilalaban ng Pilipinas sa Miss Grand International 2023 competition na mangyayari sa Vietnam sa Oktubre.

Related Chika:

Read more...