MAKALIPAS ang limang taon, sumalang nanaman sa buwis-buhay na pelikula ang iconic action star na si Tom Cruise.
Pinagbibidahan niya ang bagong kabanata ng hit movie na “Mission: Impossible” na may titulong “Dead Reckoning Part One.”
At ang good news ay mapapanood na ito sa lahat ng lokal na sinehan!
Sobrang intense at ibang level ang bawat eksena na ginawa ni Tom sa pelikula.
Kabilang na riyan ang panibagong kasaysayan na ginawa ni Tom pagdating sa pinakadelikadong “action stunt.”
Ito ay ‘yung tumalon siya sa pinakamataas na bangin ng Norway habang nakasakay sa isang motorsiklo.
Baka Bet Mo: Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt
Kung maaalala, nauna nang ibinahagi ni Tom na dream come true na magawa ang ganitong klaseng stunt.
Sey ng Hollywood actor, “This is far and away the most dangerous thing we’ve ever attempted.”
“We’ve been working on this for years, and we’re going to shoot it in Norway and it’ll be a motorcycle jump off a cliff into a base jump,” chika niya.
Patuloy pa niya, “I want to do it since I was a little kid. It all comes down to one thing, the audience.”
Binanggit din ng direktor ng “Mission: Impossible” movie na anim na beses tumalon sa bangin si Tom upang ma-perfect ang stunt para sa kanyang pelikula.
Tampok din sa bagong film sina Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, at Frederick Schmidt.