QC LGU pananagutin ang guwardiyang naghagis ng tuta kapag napatunayang ‘guilty’

QC LGU pananagutin ang guwardiyang naghagis ng tuta kapag napatunayang ‘guilty’

INQUIRER photo

NAGSASAGAWA na ng “full investigation’ ang Quezon City government sa pagkamatay ng tuta matapos ihagis ng security guard sa isang shopping mall mula sa footbridge.

Ayon sa isang pahayag ng abogado ng local government unit na si Atty. Niño Casimiro, bukod sa mahigpit sila sa pagpapatupad ng Republic Act No. 8485 o ang Animal Welfare Act ay tinitiyak nila na “haven for animals” ang lungsod.

Nangako rin ang LGU na sakaling mapatunayang “guilty” ang nanghagis ng tuta ay siguradong kanilang pananagutin.

Lahad ni Atty. Casimiro, “Quezon City is a safe haven for animals, and we are strict in enforcing Republic Act 8485, or the Animal Welfare Act.”

Baka Bet Mo: Carla Abellana galit na galit sa pagkamatay ng tuta na inihagis sa footbridge; gwardiya kakasuhan ng PAWS

“We are currently conducting a full investigation into the matter and will apply the full weight of the law in the event that any guilt is established,” dagdag pa niya.

Maaalalang noong July 11 nang mag-viral sa social media ang ginawang paghagis sa isang tuta na nagngangalang Browny na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa ulat, sinita umano ng security guard ng SM North EDSA na si Jojo Malecdem ang isang grupo ng mga bata na may dala sa nasawing tuta at pilit na pinaaalis sa nasabing lugar.

Nang tumanggi ang mga bata sa gustong mangyari ng guwardiya, bigla nitong kinuha ang tuta at inihagis mula sa footbridge.

Naglabas ng official statement ang pamunuan ng SM North EDSA at sinigurong tututukan nila ang isasagawang imbestigasyon sa nangyari.

Tinanggal na rin sa trabaho ang sekyu at hindi na maaaring mamasukan sa kahit anong branch ng SM.

Sinigurado naman ng RJC Corporate Security Services kung saan nakakontrata ang guwardiya na makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad upang maimbestigahang mabuti ang nangyaring insidente.

Read more:

Tuta patay matapos ihagis ng guwardiya sa footbridge sa QC; animal lovers na-shock

Read more...