Underwear ni Inigo Pascual pinagtripan ng mga netizens: ‘Wag mo nang takpan…the design is very DAKS!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Inigo Pascual
PINAGLAWAY na naman ng Kapamilya actor-singer na si Inigo Pascual ang kanyang mga fans, lalo na ang mga beking nagpapantasya sa kanya.
Pinagpiyestahan ng kanyang mga social media followers ang bago niyang video sa TikTok at Instagram kung saan nag-share siya ng ilang fashion tips at tamang pagpili ng OOTD.
Pero sa halip na mag-focus sa mga damit na ipinakikita at isinusuot ni Inigo ay sa ibang bahagi ng kanyang katawan nakatingin at nakatitig ang mga ito — as in zoom in, zoom out ang kanilang drama.
Sa kanyang Instagram reel, ibinahagi ng binatang anak ni Piolo Pascual ang tatlo niyang tips kung paano babagayan at bibigyan ng style ang pagsusuot ng white polo shirt.
“How to style a White Polo Shirt in 3 different ways,” ang caption ni Inigo sa kanyang Instagram post.
Sa una niyang fashion advice, ibinandera ni Iñigo ang “simple yet stylish” look with his plain pants, cap, white shoes at shades na tinernuhan pa ng shoulder bag.
Sumunod niyang ipinakita ang pagsusuot ng brown pants, brown cardigan, sneakers at shoulder bag na tinawag naman niyang “school outfit” style dahil parang papasok lang sa school ang awrahan.
Para sa next niyang OOTD tip, ipinakita niya ang kanyang “fun looks” kung saan nagsuot siya ng loose jeans, square vest, cap, white shoes, shades at bag.
Sa tatlong fashion advice ni Inigo, ang unang style na “simple yet stylish” ang kanyang ginamit para sa lakad niya nu’ng araw na iyon.
Ngunit, parang wapakels nga ang kanyang mga IG followers dahil mas nag-focus ang mga ito sa suot niyang item na boxer briefs.
Nakakaloka ang mga comments ng netizens sa naturang IG post ni Inigo na karamihan ay pumuna sa kanyang suot na underwear.
“Wag mo na takpan Iñigo.”
“The design is very daks!”
“Pinapa ulit ulit ko yung video diko alam kung bakit?????”
“IT’S VERY DAKS, VERY BUKELYA, VERY LRT STATION AND I ABSOLUTELY LOVE IT. I MEAN, BE PROUD OF THE GIFT YOU’RE GIVEN.”
“Focus ako beh!”
“SS then adjust brilliance and brightness thank me later.”
“Soon, you’ll be walking and be invited to the fashion shows of Chanel, LV, Givenchy, etc. Keep it up, young man! God Bless you always!”
“Wag mo na takpan Iñigo. Nakita na namin yan.”
“May mga tito/tita ba dito (30 and above) na hirap mag suot ng baggy pants ng mga GenZ? I find it wrong. Ako lang ata yun.”
“Dati super uso ito loose jeans Pero nawala ito at ung mga tao mahilig sa Fit jeans but now you can see ang ganda pala or It depends sa ng susuot or sa tao.”