Luis, Regine, Paolo naloka sa ‘misteryosong panty’ na natagpuan sa loob ng sinehan: ‘Ano nga kaya ang nangyari dito?’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Luis Manzano at ang misteryosong underwear na natagpuan sa loob ng sinehan
VIRAL na ngayon sa social media ang isang litrato kung saan makikita ang puting underwear na “pakalat-kalat” sa loob ng sinehan.
Tawa kami nang tawa nang ma-sight namin sa isang Facebook post ang nasabing white panty na tila naiwan ng isang moviegoer sa sinehang pinuntahan nito.
Mas kumalat pa ang nasabing litrato nang i-repost ito ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano sa kanyang Instagram account na ikinaloka ng kanyang mga followers pati na ng mga kaibigan niyang celebrities.
Ang paniwala ni Luis at ng ilang netizens, mukhang may konek daw ang naiwang panty sa panonood ng may-ari nito sa suspense-horror movie na “Insidious 3: The Red Door.”
“Sa mga mahilig sa true crime na mga series… ano kaya nangyari dito? Kase kinakabahan na ako manood sa cinema tuloy,” ang caption na inilagay ni Luis sa kanyang Instagram post.
Komento ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, “Sayo ba yan!!!”