Herlene Budol humirit sa founder ng Miss Grand International kahit hindi pa nasusungkit ang korona: ‘Promise hinding-hindi kita bubudulin!’

KAHIT hindi pa ginaganap ang Miss Grand Philippines 2023, mina-manifest na ni Herlene Budol ang kanyang pagkapanalo sa naturang national pageant.

Idinaan ng Kapuso TV host-comedienne sa kanyang Instagram ang kanyang positive outlook sa buhay kung saan ibinandera niya ang mensahe sa founder ng Miss Grand International pageant.

Kalakip ang kanyang glam photos bilang beauty queen, hiniritan nga niya nang bonggang-bongga ang may-ari ng Miss Grand International na si Nawat “Angkol” Itsaragrisil ng Thailand. Ito’y kahit hindi pa nga siya nananalo sa nasabing beauty pageant.

“Dear Angkol, ako nga pala si Budolerang Hipon. Baka ito na ang best time para sa Pilipinas. Baka naman ako ang matagal mong hinahanap. Promise hinding hindi kita Bubudulin!” simulang paandar ni Herlene.

Sinundan pa niya ito ng bonggang pagpapakilala bilang official candidate sa Miss Grand Philippines 2023 na tila may kasama pang “pagbabanta”.

Baka Bet Mo: Herlene Budol gusto nang umatras sa 2023 Miss Grand PH pageant matapos mapahiya sa Q&A: ‘Tinawag na nila akong ‘bobo,’ ‘tanga’…OK lang po’

“Ako nga pala si Herlene Nicole Budol bente tres anyos at naniniwala sa kasabihan huwag mong subukan tangkain dayain at budulin ang Pilipinas this time, dahil ang lola ko mambabarang ay nariyan lamang naka bantay sa likod mo lamang. Chariiizzz!” ang birong chika pa ni Herlene.

May pa-song number pa ang dalaga sa kanyang IG post, “Angkol Angkol I am near, Crown me, Crown me i am here.”

Iba’t iba naman ang reaksyon ng netizens sa IG post ni Herlene. Marami na namang nangnega sa dalaga at sinabihang pag-aralan daw niya nang malupit ang pagsasalita ng English at ang pagsagot sa Q&A portion.

“Okay na yung title mo as Hipon kasi natural body mo yon. Pero yung feeling beauty queen ka jusko hilaw na hilaw ka pa sis.”
“Naretoke lang pambato na ng Pinas. Haler kung pagiging retokada ka lang basehan mas maraming mas deserve non kesa sayo. Sila marunong sumagot ng english eh ikaw ano? i-dadaan lang sa PAAWA effect!”

“Sana hindi lang mukha ang ini-improve mo, unahin mo muna po ang pag-eensayo sa English.”

“I wish you were a whole package, but you’re lacking depth. It is your time to shine, but you made this journey into a circus. I don’t see the sincerity in you joining this pageant. It isn’t your dream, It’s someone else’s dream for you. This isn’t only a beauty and body competition. You are a spokesperson, a person that inspires other women to be the best version of themselves. You are to carry the Philippine flag if you were to be crowned with dignity, grace, and pride. If you are serious about this pageant journey, Make it a priority and do this for you and no one else. I hope you realize this and commit yourself. Good luck to you Herlene.”

“Wag mag assume na akala mo winner ka talaga.”

“Jusko assumera ka mahilig ka nga pala sa DOG.”

“Ayusin mo muna mga interviews at Q&A’s mo bago ka mangarap. Lagi mo dinodogshow eh, kala mo laging comedy!”

Magaganap ang coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 sa July 13, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Related Chika:

International runners-up makakabangga ni Herlene Budol sa 2023 Miss Grand Philippines pageant

Read more...