ABISO sa mga customer ng Manila Water!
Inanunsyo ng water concessionaire na mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City at Rizal simula July 10 hanggang 13.
Ayon sa advisory, ang ilang lugar sa Antipolo at Cainta, Rizal ay makakaranas ng water interruption simula July 10 ng 10 p.m. hanggang July 11 ng 6 a.m.
Ito raw ay dahil sa gagawing maintenance na “interconnection.”
Ilan lamang sa mga apektadong barangay ay ang Mambugan, Muntindilaw, at Sta. Cruz sa Antipolo, at Barangay San Juan sa Cainta.
Kagaya sa Rizal, magkakaroon din ng maintenance sa ilang parte ng Quezon City na kung saan ay naka-schedule naman ang “line meter replacement” at “line maintenance.”
Simula July 11 ng 10 p.m. hanggang July 12 ng 4 a.m. ay mawawalan ng tubig ang mga barangay ng Matandang Balara at E. Rodriguez.
Apektado rin ang bahagi ng Barangay Tandang Sora na makakaranas ng water supply disruption simula July 12 ng 10 p.m. hanggang July 13 ng 4 a.m.
Baka Bet Mo: Catriona Gray tinawag na ‘fake news’ ang kumakalat na pelikulang pagbibidahan raw niya, nilinaw na hindi pa kasal
Panawagan ng water concessionaire ay mag-imbak na ng sapat na suplay ng tubig bilang paghahanda sa inaasahang kawalan ng suplay ng tubig.
“Manila Water is advising all residents of the affected areas to store enough water to supply their needs during the service improvement activities,” sey sa inilabas na pahayag.
Related Chika: