Sarah tumigil na rin sa paglafang ng karne, nakikipaglaban para sa karapatan, kaligtasan ng mga hayop
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
HINDI naman sa nagkukuripot ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli, wais lang daw sila sa paggastos ng pinaghihirapan nilang pera.
Bilang mag-asawa, talagang naka-budget ang ilan sa kanilang mga finances — nandiyan ang kanilang investment sa iba’t ibang negosyo, meron din silang inilalaan for savings, at para sa personal nilang pangangailangan.
Isa sa pinag-iipunan lagi ng mag-asawa ay ang pagta-travel nila sa iba’t ibang bansa. Mula nang ikasal sila, ilang beses na rin silang nakapagbakasyon abroad.
“Kahit wala na ‘yung mga material things, basta importante may funds para sa travel and good food. We really enjoy traveling and creating beautiful memories,” pahayag ni Sarah.
Base sa mga post nina Sarah at Matteo sa Instagram, nag-Singapore sila last 2022 at ngayong 2023, inikot naman nila ang Thailand kung saan in-enjoy nila ang mga elepante at ang masasarap na pagkain doon.
Sa panayam kina Sarah at Matteo kamakailan, ibinahagi nila ang ilan sa kanilang mga investment. Isa na nga rito ang pagbili nila ng bonggang farm sa Laguna.
“Just last year, Sarah and I got involved with sustainability,” sabi ni Matteo kasabay ng pagsasabing ilan sa mga tanim nila sa farm ang ginagamit nila sa kanilang mga restaurant.
“We have some arugula, some lettuce, some cherry tomatoes that we grow,” sey pa ni Matteo.
Samantala, ilang taon na ring hindi kumakain ng meat si Sarah dahil sa pagmamahal niya sa mga hayop. Isa na rin siya sa mga celebrity na nakikipaglaban sa animal welfare.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Popstar Royalty sa Animal Kingdom Foundation para sa kaligtasan ng mga iba’t ibang hayop. “We already have five dogs. She’s very involved in animal rights,” sabi ni Matteo.
Naikuwento pa nga ng Kapuso TV host-actor ang isang insidente kung saan nakakita sila ng dalawang kuting sa gitna ng kalsada.
“Last week we were in Batangas in Tita Susan Enriquez’s farm. Going back home, she saw two kittens on the road and she said, ‘Love, tigil tayo, kunin natin.’ I told her, ‘Huwag, merong may-ari niyan.’
“So, we moved the cats to the side. Then umandar na kami, bumalik ang cats sa gitna. She insisted talaga that we get the cats. So kinuha namin.
“We brought them to our friend in Batangas who really recues cats. At first, she wanted the cats for our house. We already have five dogs and two cats. I told her, the additional two cats are a little too much,” kuwento pa ni Matteo.