PURING-PURI ng entertainment press ang TV host/actress na si Gladys Reyes dahil simula nang mag-artista siya ay hindi niya nakalimutan ang mga nakatulong sa kanya.
Nakilala namin ang wifey ni Christopher Roxas Sommereux during the “Mara Clara” days taong 1992-1997 kasama si Judy Ann Santos.
May sponsor si Gladys noon na damit na ipinapamigay niya sa mga press bilang pasalamat kapag nasusulat siya at kapag mayroong may birthday kasi nga hindi naman kalakihan pa ang kinikita niya noon.
Maganda ang pakitungo ng aktres sa press lalo na ang mama Zeny niya na lagi niyang kasama kaya naging close rin ang karamihang press.
Saksi rin kami sa pag-iibigan nila ng first and last love niyang si Christopher o Tupe na parehong may mga gatas pa sa labi at aliw kapag may tampuhan ang dalawa dahil hindi mapakali ang huli. Kaya naniniwala talaga kami sa kasabihang ‘patience is a virtue.’
Fast forward hindi na kami nagkikita ni Gladys dahil maraming nabago lalo na nu’ng nag-asawa na sila ni Tupe dahil mas prayoridad na nila siyempre ang pagbuo ng pamilya.
Kaya naging emosyonal siya sa sinabi ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa ginanap na post birthday celebration at thanksgiving niya sa press sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City dahil ngayon lang ulit niya nakaharap ang lahat na naging parte ng showbiz at personal life.
“Si Gladys nanatiling consistent na mahal niya ang press, di ba?” sambit ni Ogie.
Sagot agad ng aktes, “e, kasi naman mahal n’yo rin ako.”
Tuloy ni Ogie, “imagine ilang beses ka mag-text (para sa invites ng thanksgiving), di ba? Kaya sa ibang artista nanawagan ako na sinusuwerte tapos nakakalimot sa mga tulong ng mga reporters. Pero ito (Gladys) consistent talaga marunong lumingon.”
Naluha naman ang aktres sabay punas ng mga mata.
Dagdag pa, “imagine para i-gather lahat ni Gladys ang mga sponsors niya para may maiuwi ang mga reporters, di ba sino pa baa ng gumagawa niyan ngayon?
Bukod sa pagiging host ng talk show na Moments na napapanood sa NET25 na 16 years na ngayon at kasama rin sa iba’t ibang programa sa GMA 7 at ngayon ay kabilang na siya sa Mini Miss U segment ng It’s Showtime. Matatandaang produkto ng Little Miss Philippines si Gladys sa “Eat Bulaga”.
Anyway, wala sa selebrasyon ang asawang si Christpher dahil nasa Batangas daw ito para sa kanilang pangkabuhayan.
“Sa mga nagtatanong po, nasaan si Christopher? Nag-aayos po ng kabuhayan namin, nasa Lobo, Batangas. At meron din pong training ang mga tao niya sa Laguna. May bubuksan po kaming bagong dance diner sa Laguna. So, hayaan ko na muna siya dun habang nagkakasiyahan tayo dito,” tumawang sabi ni Gladys.
Bukod sa bagong diner ay abala rin ang mag-asawa sa catering business nila at masayang ibinalita rin nito na isa sa client nila ang congress.
May mga sosyo-negosyo rin sila sa mga gustong mag-franchise ng That’s Entertain-Meat all Breakfast, sa mga gustong magtayo ng restaurant, Onyas food cart, at iba pa.
Kasama na rin sila sa Wedding and Debut Expo 2023 sa Hulyo 15 at 16, Sabado at Linggo simula 10:00 AM sa SMX Convention Center Manila, Mall of Asia, Pasay City.
Aniya,“may booth ang Sommereux Catering, may booth din ang Plaza Ibarra. So, lahat ng suppliers na hinahanap nila, one-stop shop na yun.”
More blessings sa Sommereux family at katuwang din nila sa negosyo sina Mama Zeny at kapatid na si Janice na consultant/assistant/ ni Gladys, “kung wala ang kapatid ko, for sure hindi ko magagawa ang lahat, siya ang tumutulong sa lahat ng ginagawa ko sa career, negosto etcetera.”
Related Chika:
Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes
Juday, Gladys muling nagkita after 5 years, game na game na nag-TikTok sa birthday party ni Luna