Boy Abunda nilinaw na pinag-uusapan pa ang pag-aartista ni Bimby: It was more of an exploratory meeting…

Boy Abunda nilinaw na pinag-uusapan pa ang pag-aartista ni Bimby: It was more of an exploratory meeting…

Boy Abunda, Bimby Aquino

HINDI pa pumipirma ng kontrata upang maging ganap na artista ang anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Ito ang nilinaw mismo ng kanyang tumatayong guardian na si Boy Abunda matapos kumalat ang social media post ng Cornerstone Entertainment kung saan nakasama nila sa larawan ang executives ng talent agency, pati ang handler ni Kris na si Tin Calawod.

Sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi mismo ng TV host na isang “exploratory meeting” lamang ang naganap sa naging pagpupulong kamakailan lang with the talent agency.

Pinag-usapan pa, aniya, nila kung ano-ano ang mga posibilidad sakaling pasukin na nga ni Bimby ang mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Kris ayaw maranasan ni Bimby ang mawalan ng tatay kaya suportado ang pag-reach out ng anak kay James Yap

“We had dinner. I hosted a dinner for Bimb,” Sey ni Tito Boy. 

Kwento pa niya, “Totoo po ‘yan na doon sa pag-uusap namin ay we were trying to explore kung ano ang mga pwedeng mangyari—the possibilities.”

“[Kung] pwede bang mag-artista si Bimb, ano ba ang gagawin? But it was more of an exploratory meeting,” paliwanag niya.

Nabanggit din ng TV host na ang pagpupulong ay may consent mismo ni Kris na kasalukuyang nasa United States at sumasailalim sa medical treatment.

“Meron po ‘yang permiso ng kanyang ina, ang ating kaibigang si Kris Aquino,” sambit niya.

Dagdag pa niya, “Kasulukuyan po, ang Cornerstone team ay nasa U.S. and we are hoping na magkausap si Kris at ang Cornerstone, pati na rin po si Bimb ay nakabalik na po sa America.”

Sa huli ay nangako si Tito Boy na magbibigay siya ng update sa madlang pipol patungkol sa pag-aartista ni Bimby.

Maaalalang bumalik ang dalawang anak ni Kris sa US ilang araw matapos isagawa ang naturang meeting with talent agency.

Related Chika:

Liza ‘dream come true’ ang pakikipag-bonding sa K-pop idols: The whole time it didn’t feel real to me!

Read more...