HOROSCOPE October 18, 2013 | Bandera

HOROSCOPE October 18, 2013

Madam Sophia - October 18, 2013 - 01:30 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag intindihin ang iniisip ng iba ang mas mahalaga maipatupad mo ang sarili mong kagustuhan. Sa malayang papapasya at pagkilos ay magtatagumpay ka. Sa pag-ibig, kung ikaw lang ang masusunod ay noon ka pa sana naging maligaya. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Bukod sa pink at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung dumating ang sandali na ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ikaw naman ang tanggihan? Sa anumang ginagawa, panatiliing bukas ang palad upang lalo kang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Lilac at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Bago simulan ang anumang trabahong pinagkakakitaan, humigop muna ng mainit na sabaw. Sa ganyang paraan ay mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ngayong malapit na ang Pasko ay huwag umasa sa mga kamag-anak dahil wala ka naman sa kanilang maaasahan. Sa halip, magsikap kang mag-isa mo. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo na magtipid at maging materyoso upang mas madali kayong  yumaman. Mapalad ang 5, 9, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam.” Pink at gray  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Kaya hindi ka yumayaman ay kulang ka sa lakas ng loob! Sa sandaling lumakas ang loob na magnegosyo ng grocery at pagkain, mabilis ka nang uunlad. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Capricorn na magpayaman din. Mapalad ang 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Green at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ngayong panahon ng election ay magkakapera ka basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Virgo. Sa pag-ibig, bukod sa Virgo ka-compatible mo rin ang isang Aries at Scorpio. Mapalad ang 1, 13, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Yellow at peach ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Tanungin ang sarili: “Ano ba ang higit na mahalaga, ang lipunan o ang pamilya?” Pamilya ang dapat na mauna upang habambuhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal tuloy-tuloy ang pasok ng salapi, habang habang abala ang lahat sa nalalapit na “araw ng mga patay.”  Sa pag-ibig, na sa iyo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 6, 15, 27, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka na nadala, bakit nakikipag transaksyon ka na naman sa mga walang kuwentang tao? Umiwas sa mga masasama. Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak ay huwag ng pumatol pa sa iba, pagtiyagaan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pag-ibig, kailangang mapaligaya mo ang iyong sarili kahit na malayo ang minamahal. Sa pinansyal, kailangang makaisip ka ng sariling pagkakaperahan upang hindi ka laging nakaasa sa iba. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kahit inaapi ka, walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, hindi ka na nila kayang apihin. Sa panahong mayaman ka na, iwasan mo namang mang-api ng kapwa. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Anuman ang mangyaring sakuna, kalamidad at kalungkutan, wag manghihinawang magdasal. Sa pagdarasal ay muling uunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang maligayang pakikipagrelasyon ay ipagkakaloob din sa iyo sa pamamagitan ng walang-sawang pagdarasal. Mapalad ang 4, 13, 33, 40, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ask and it will be given to youl; seek and you will find.” Orange at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung hindi matututong magpakatuso ay paano ka tatabo ng malaking halaga? Sa pag-ibig, kumbinsihan ang kasuyo na mag-open kayo ng account sa isang kooperatiba upang mas madaling mapalago ang naipong pera. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” White at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending