Meghan Trainor isinilang na ang second baby: We welcomed Barry Bruce Trainor into the world!

Meghan Trainor isinilang na ang second baby: We welcomed Barry Bruce Trainor into the world!

PHOTO: Instagram/@meghantrainor

MOTHER of two na ang international pop singer na si Meghan Trainor!

Ito ay matapos niyang ibunyag na ipinanganak na niya ang kanyang second baby na si Barry Bruce.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng singer ang special moment matapos niyang isilang ang bagong baby, pati na rin ang ilang pictures ng sanggol.

Ayon pa kay Meghan, noong July 1 pa niya ipinanganak si Baby Barry at kasabay pa nito ang anniversary nila ng mister na si Daryl Sabara.

Baka Bet Mo: Bagong music video ni Meghan Trainor trending sa YouTube, tampok si Kris Jenner

“On July 1st (our 7-year anniversary of our first date) we welcomed Barry Bruce Trainor into the world [bear emoji] [heart emoji],” sey ng singer-songwriter.

Naikuwento rin niya na inilabas niya ang kanyang bunso sa pamamagitan ng C-section.

Caption niya, “He was a big boy at 8lbs 7oz…and sideways (transverse), but we had an amazing, successful C-section, and I finally got my skin to skin time!”

Kasunod niyan ay pinasalamatan na niya ang lahat ng hospital staff na inalagaan silang mag-ina.

“Thank you to all of the incredible doctors and nurses who took such great care of us [heart emoji],” lahad ni Meghan.

Sa hiwalay naman na IG post, proud na ibinahagi ng singer ang unang pagkikita ng kanyang panganay na si Riley at ng bunso.

Sey pa niya sa post, “Riley loves his baby brother so much [random emojis].”

Maraming kapwa-celebrities naman ang napa-comment sa post ni Meghan at nagpaabot sila ng “congratulatory” messages.

Komento ng socialite na si Paris Hilton, “[emojis] Congratulations sis! So happy for you! [emojis].”

Pagbati ng aktres na si Mandy Moore, “Go Mama!! And welcome to the party, Barry!! What a lucky dude!! [heart emojis]”

Lahad naman ng isa sa miyembro ng acapella group na Pentatonix na si Scott Hoying, “A perfect beautiful icon, legend, star born into the most wonderful family possible! Congrats [crying face emojis] !!!!” 

Taong 2018 nang ikinasal si Meghan at ang kanyang mister na si Daryl.

Noong 2021 naman nang biniyayaan sila ng unang anak na si Riley.

Related Chika:

Read more...