TINALAKAN ng dating aktres na si Ellen Adarna ang isang netizen na nagtatanong patungkol sa Temple of Leah.
Isa kasi ang Temple of Leah sa mga kilalang destinasyon sa Cebu na pinupuntahan ng mga turista.
Sa isa sa kanyang Instagram stories ay sinagot ni Ellen ang tanong patungkol sa entrance fee ng naturang lugar.
“Bakit masyadong mahal ang entrance sa ‘Temple of Leah’ at nahihirapan na rin ang mga guide,” tanong ng netizen.
Sagot naman ni Ellen, “The story about the Temple Day was that it was not built to be a tourist spot.”
Aniya, ang naturang lugar ay ginawa raw ng kanyang lolo na si Teodorico Soriano Adarna para sa asawang si Leah Albino Adarna na siyang lola ng aktres.
Baka Bet Mo: Ellen Adarna may taong ipinakulam na nanakit sa kanya: ‘Talagang mamamatay siya pero na-realize ko ‘di siya worth it’
Chika pa ni Ellen, “It was built to be a storage for my grandmother’s things.”
Ngunit dahil nga marami na ang nagpupunta sa lugar dahil sa ganda ng structure at view rito ay nagdesisyon na ang kanyang pamilya na gawin itong negosyo.
“So the family decided to make it a business na lang because maraming taong pumupunta dun na di naman sana yun tourist spot,” lahad ni Ellen.
Dagdag pa niya, “So ganun yun ngayon, expand na lang, pero malaki din ang gastos, kung alam mo lang.”
Nagbigay pa nga ng payo si Ellen sa netizen na namamahalan sa entrance fee ng Temple of Leah.
“So kung nagrereklamo ka, wag ka na lang pumunta. Ganun na lang,” sey niya.
Related Chika:
Ellen Adarna ibinunyag na ‘doble’ magbigay ng sustento si John Lloyd Cruz sa anak na si Elias