Korina Sanchez muling nakipag-collab sa ABS-CBN, Karen Davila napa-react

Korina Sanchez muling nakipag-collab sa ABS-CBN, Karen Davila napa-react

INILARAWAN ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang sarili bilang isang “balikbayan” sa muli niyang pagtungtong sa ABS-CBN.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Nagbabalik na nga si Ate Koring sa kanyang mother network bitbit ang programa niyang “Rated Korina” na dating co-produced ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5.

Ibinahagi ni Korina ang good news sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kalakip ang ilan niyang litrato kasama ang mga bossing ng Kapamilya Network.

Ang naganap na contract-signing event ay para sa co-production ng ABS-CBN sa news magazine show na “Rated Korina”.

Actually, hindi naman talaga nilayasan ng batikang broadcaster ang ABS-CBN dahil umeere rin sa iba’t ibang Kapamilya platforms ang “Rated Korina” bukod pa sa free TV tulad ng A2Z at TV5.

“Well, I never really left. Rated Korina had always aired still on the ABSCBN platforms the past years…

“Now, as a balikbayan, I come in as a partner with my ABSCBN family who I grew up with via the co-production of Rated Korina. The baby is now a lady, hahaha!” ang caption ni Ate Koring sa kanyang IG post.

“You can take the girl out of ABSCBN. But you can’t take that ABSCBN training out of the girl.

Baka Bet Mo: Korina Sanchez: Iniiwasan ko na yung nega, wala akong opinyon sa politika, wala akong winawakwak

“And this is the experience I hopefully bring to my other broadcast homes and make a contribution as best I can, while I can, in whatever ways made possible to me.

“The ‘welcome back home’ is still in my ear, and my heart,” ang kabuuang mensahe ni Korina.

Mababasa naman sa comment section ng IG post ni Korina ang naging reaksiyon ng kapwa niya Kapamilya broadcast journalist at news anchor na Karen Davila.

“Wooohooo! You never left K! You are forever etched in the history of ABS!” ang pahayag ni Karen.

Sinagot naman siya ni Korina ng, “Feeling ko nga hahaha.”

Sa mga komento ng netizens, mababasa ang nagkakaisa nilang suggestion na sana’y magkaroon ng bonggang collab sina Karen at Korina. Abangers din sila sa posible nilang pagsama sa “TV Patrol.”

Matatandaang naging guest na ni Karen si Korina sa kanyang YouTube vlog habang sumalang naman ang una sa “Korina Interviews” ng NET25.

Related Chika:
Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Korina Sanchez gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin

Read more...