Lamay para sa yumaong veteran showbiz reporter na si Mario Dumaual bubuksan sa publiko ngayong araw; Ate Vi, ilan pang celebs nagluluksa

Lamay para sa yumaong veteran showbiz reporter na si Mario Dumaual bubuksan sa publiko ngayong araw; Ate Vi, ilan pang celebs nagluluksa

Mario Dumaual

IPINARAMDAM ng mga taga- entertainment industry ang kanilang pagmamahal sa yumaong veteran entertainment reporter na si Mario Dumaual.

Bumuhos sa social media ang mga madamdamin at nakaka-touch na mensahe para sa “TV Patrol” showbiz reporter ilang minuto lamang matapos kumpirmahin ng pamilya Dumaual ang napakalungkot na balita.

Hindi lamang ang mga kasamahan at mga kaibigan ng batikang reporter ang nagbigay ng kanilang mensahe ng pamamaalam kundi pati na rin ang mga celebrities na naging malapit sa kanya.

At dahil dito, naglabas ng announcement ang kanyang pamilya tungkol sa magaganap na lamay para sa labi ni Tito Mario.


Ibuburol ang yumaong beteranong reporter sa 2nd Floor, Loyola Memorial Chapels and Crematorium Commonwealth simula ngayong araw, 8 a.m. July 6 ngunit ito’y para lamang muna sa kanyang pamilya at mga kaanak.

Pagsapit naman ng 2 p.m. ay bubuksan na ang chapel para sa mga kaibigan at katrabaho na nais magbigay ng kanilang huling pamamaalam kay Tito Mario. Magaganap naman ang Mass sa ganap na 7:30 p.m.. Tatagal ito hanggang tanghali ng July 9.

Magaganap naman ang interment sa Linggo, sa Loyola Memorial Park Marikina.

Baka Bet Mo: Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

Nagsimula ang entertainment writing career ni Mario sa Journal Group of Companies noong 1982, at nag-umpisa bilang correspondent sa ABS-CBN News noong 1987.

Matatandaang si Tito Mario ang tumanggap ng Joe Quirino Award sa 5th EDDYS Awards na ginanap sa Metropolitan Theater noong November 26, 2022. Ito’y para sa kanyang mga hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikula at telebisyon.


Narito ang bahagi ng kanyang acceptance speech, “Nagpapasalamat ako sa EDDYS. Napakaimportanteng parangal po ito dahil galing ito sa mga kasamahan ko trabaho mula noon hanggang ngayon kaya I humbly accept this.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang mother network na pinaglingkuran niya ng mahabang panahon, “Nagpapasalamat po ako lahat sa kanila, gayundin sa ABS-CBN, sa kabuuan ng ABS-CBN, na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sa langit at impiyerno na pinagdaraanan.

“So, ibinabalik ko ang karangalang ito sa inyong lahat at sa lahat ng kasamahan ko sa panulat at sa telebisyon,” aniya pa.

Samantala, narito naman ang mensahe ng ilang celebrities sa pagkamatay ni Tito Mario.

Ayon sa Star for All Seasons na si Vilma Santos, “Mario … SALAMAT !! Rest in peace. Our condolences and prayers (pray hand sign emojis).”

Tweet naman ni Jed Madela, “Rest in peace, Sir Mario Dumaual [pray hand sign emojis]. You were always present in all my career milestones. Rest now.”

Ang pahayag naman ni Karylle, “I’m fortunate to have known such a kind, sincere and supportive man (heart sign emoji). Praying for him and your family. Our deepest condolences.”

Ilan pa sa mga nag-post ng kanilang pakikiramay ay sina Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Alma Concepcion, Kylie Versoza, Empress Schuck at Almira Muhlach.

‘TV Patrol’ entertainment reporter Mario Dumaual pumanaw na, showbiz industry nagluluksa

Mario Dumaual nasa ICU dahil inatake sa puso, panawagan ng pamilya: Please keep him in your prayers…

Read more...