Nabiktima ng TV host-comedian sina Kokoy at Angel sa ginawa nilang prank sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7 nitong nagdaang Linggo.
Sa simula ng nakakalokang prank, in-announce ni Tekla on national television na kailangan daw niyang magpahinga muna at magpagaling dahil sa kanyang iniindang karamdaman.
Ito raw ang payo sa kanya ng mga doktor matapos siyang magpa-checkup, “Siyempre, tatakbo pa naman ‘tong TBATS without me, nandiyan naman si Boobay.
“Siguro I need lang na ma-ano ko lang ‘yung concern ng doctor ko na kailangan ko talaga siyang ipahinga at kailangan kong i-prioritize ‘yung health ko,” ang pahayag ni Tekla.
Sa puntong ito, kitang-kita sa reakyon nina Kokoy at Angel (na nagkasama noon sa Running Man Philippines) ang pagkabigla. Hindi sila nakapagsalita sa balita ni Tekla.
Hiniling naman ni Boobay kay Tekla kung nais niyang i-share sa manonood kung ano ang kanyang karamdaman. Nagpasalamat muna ang comedian sa kanilang viewers at mga tagasuporta ng “TBATS.”
“Bago pa nag-pandemic hanggang sa nag-pandemic ginapang namin lahat, thank you.
“Pero kailangan ko na po talagang sundin ‘yung ano ng doctor sa akin kasi lumalala na po ‘yung –yung alipunga ko,” ang nakakawindang na rebelasyon ni Tekla.
Bigla namang natawa sina Kokoy at Angel nang malamang na-prank sila ng “TBATS.”
“Mas naiyak ako nu’ng sinabi niya (Tekla) ‘yung alipunga. Noong nalaman ko na niloloko niyo kami, parang ang sakit na niloloko niyo kami,” chika ni Angel habang tawa pa rin nang tawa at pinupunusan ang luha.
Napapanood pa rin ang “The Boobay and Tekla Show” every Sunday, 10:40 p.m., sa GMA 7 after “Kapuso Mo, Jessica Soho.”