Maxene Magalona madaling mairita kapag pinagagalitan at ipinamumukha sa kanya ang nagawang pagkakamali
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Maxene Magalona
AMINADO ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona na may ilang ugali pa rin siya na hindi niya kayang kontrolin hanggang ngayon.
Ito’y sa kabila nga ng patuloy niyang paglaban sa kanyang mental health issues, lalo na sa mga pagkakataong nagagalit siya at hindi maitindihan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Maxene ng kanyang mga litrato kung saan makikita ang tila reflection ng rainbow sa kanyang mukha.
Sabi niya sa caption, “One more toxic trait that I still have up to this day is my inability to gracefully accept constructive criticism.
“I realized that I absolutely hate being scolded or being told that I did something wrong. I immediately flare up, get defensive and explode with anger. It’s so unattractive and extremely low vibrational,” simulang pagbabahagi ng aktres.
Aniya pa, karaniwang nagiging problema o isyu sa isang relasyon ay ang paglalabas ng mapapait na nakaraan na nakakaapekto sa mga mahal natin sa buhay.
“One of the many mistakes we often make in our relationships (all relationships, not just romantic ones) as adults is we bring our childhood wounds with us and project them on to our loved ones unconsciously.
“We tend to act from that wounded place and feel as though the other person is just the same as the ones who hurt us in the past.
“We carry old wounds with us into new relationships which eventually cause more pain and suffering not just for us but for everyone else around us,” paliwanag ni Maxene.
Nagpaalala pa ang aktres sa lahat ng mga adults, “We have to do the work to let go of the past conditioning and old beliefs that we received as children in order to evolve and soon have healthier relationships and a more peaceful life overall.
“Healing takes time so please be patient with yourself. You may find yourself still making mistakes, crying and breaking down once in a while and that’s totally normal.
“You just have to keep going and releasing your pain until you find yourself crying happy and peaceful tears. Beautiful tears that remind us of the painful growth that we go through to get to where we are today,” pagbabahagi pa ni Maxene.
Sa huli, sinabi rin ng aktres na ipinagmamalaki niya ang lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya sa buhay, “I’m proud of my tears. I’m proud of my strength to face my own pain.
“No pain, no gain. No rain, no rainbow,” sabi pa ng Kapamilya star.