Sarah adik na adik sa pagwo-workout kaya fit at sexy pa rin, ibinuking ni Matteo: ‘She does yoga, pilates, treadmill regularly’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
KAYA naman pala super fit and healthy pa rin ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay dahil sa sobrang pagkaadik niya sa pagwo-workout.
Mismong ang asawa niyang si Matteo Guidicelli ang nagbuking sa Kapamilya singer-actress at TV host kung gaano siya kasipag at kadisiplinado pagdating sa pag-aalaga sa kanyang katawan.
Kuwento ni Matteo, mahilig silang magluto at kumain ni Sarah pero kinakambalan nila ito ng active lifestyle para mapanatili ang kanilang kalusugan at maayos na pangangatawan.
“Grabeng mag-work out si Sarah. I regularly work out, but Sarah works out all the time. She does yoga, pilates, treadmill regularly.
“She really keeps fit. Not a lot of people know she’s a very strong runner. She can finish five kilometers in around 25 minutes. She’s a good runner,” ang paglalarawan ni Matteo sa kanyang wifey sa kanilang presscon bilang brand ambassadors ng Sunlife Philippines.
Hirit naman ni Sarah sa sinabi ni Matteo, “The 25 minutes, mag-boyfriend-girlfriend pa tayo noon Siyempre, nagpapa-impress pa ako sa ‘yo noon!”
Naikuwento rin ng celebrity couple ang tungkol sa mga kaganapan lately sa kanilang married life, kabilang na ang pagme-maintain ng nabili nilang bonggang farm.
“Just last year, we became very much involved in sustainability. We have this little space in the jungles of Laguna and we fell in love with the place. It’s actually a farm.
“We grow crops and some produce, like arugula, lettuce, cherry tomatoes, for our restaurants (Italian resto na Da Gianni sa Alabang at BGC),” sabi ng Kapuso actor at TV host.
Samantala, magkasundo rin ang mag-asawa sa kanilang adbokasiya sa tamang pag-aalaga at pagprotekta sa mga hayop. Pareho raw talaga silang mahilig sa animals.
“Sarah is also very passionate with animal welfare. She started being involved with this foundation, Animal Kingdom Foundation. Their whole messaging is to stop animal cruelty and dog meat trade. She is very involved in animal rights.
“Last week, we were in Batangas in Tita Susan Enriquez’s farm. Going back home, she saw two kittens on the road and she said, ‘Love, tigil tayo, kunin natin.’
“I told her, ‘Huwag! Merong may-ari niyan.’ So we moved the cats to the side. Then umandar na kami, bumalik ang cats sa gitna. She insisted talaga that we get the cats. So kinuha namin. We brought them to our friend in Batangas who really rescues cats.
“At first, she wanted the cats for our house. We already have five dogs and two cats. I told her, the additional two cats are a little too much,” pagbabahagi pa ni Matteo na napapanood tuwing umaga sa “Unang Hirit” ng GMA 7.