Lovi Poe patuloy na inuulan ng blessing, may serye at pelikula na mabenta pa bilang brand endorser
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Lovi Poe at Carlo Aquino
TULOY-TULOY pa rin ang pagdating ng swerte at blessings sa personal life at career ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ngayong 2023.
Bukod sa pagiging bahagi ng matagumpay na Kapamilya primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” kasama si Coco Martin, malapit na ring ipalabas ang bago niyang pelikula, ang “Seasons” kung saan makakatambal naman niya si Carlo Aquino.
Isa rin ang tinaguriang Kapamilya Supreme Actress sa mga celebrities ngayon na talagang mabenta bilang product endorser at brand ambassador, patunay lamang na talagang pak na pak pa rin ang kanyang pangalan pagdating sa endorsements.
Kamakailan lang ay muling nag-renew ng kontrata si Lovi bilang brand ambassador ng Imono Jewelry, in time for their new collection “that exudes the ethereal and playful style which is perfect for all seasons.”
Lovi’s presence and beauty best exemplifies the much sought after designer jewelry brand, as it embraces the allure of modern elegance. This marks Lovi’s 9th year as the face of Imono.
Samantala, excited na ang aktres at singer sa paglalabas ng kanyang latest movie “Seasons” sa Netflix simula sa July 7.
Espesyal para sa dalaga ang nasabing project dahil isa siya sa mga nag-conceptualize ng tema at kuwento nito.
“‘Seasons’ is a film about love and friendship and it’s one of the first projects ever that I conceptualized and presented to Regal Films, and together with Roselle Monteverde, we started to develop it,” pahayag ni Lovi.
“I’m truly happy with the outcome,” dagdag pa ng award-winning actress.
Sa isang hiwalay na panayam kay Lovi bago pa lumabas ang teaser ng pelikula sinabi nitong dream talaga niya noon pa ang makapag-conceptualize ng sarili niyang istorya para sa TV at big screen.
“I have long wanted to write my own story and now finally did that first step. I took the first step and I feel that more would come,” aniya.
Kasama rin sa “Seasons” sina Sarah Edwards at Jolo Estrada, mula sa panulat ni Dwein Baltazar, at sa direksyon ni Easy Ferrer.
Siyempre, super thankful and grateful din ang aktres dahil sa patuloy na pamamayagpag sa telebisyon at online platforms ng serye nila ni Coco na “FPJs’ Batang Quiapo”.
In fairness, bukambibig na ngayon ng mga Pinoy ang pangalan ng karakter niya sa programa na si Mokang, ang one true love ng role ni Coco na si Tanggol.